05

675 29 7
                                    

05 : Approve

"Uh?" nagtatanong ang mga mata ni Azriel na nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatingin lang kay Elion na nakatayo pa din sa door frame ng kwarto ko.

"Azi, nandito pala si Elion, may pupuntahan daw kayo kaya pinapunta ko na dito sa kwarto mo," saad ni mama habang nakasilip siya sa loob ng kwarto ko. Hindi ako umimik.

"Aba't anong ginagawa mo diyan?!" pasinghal na tanong ni mama kay Azriel nung nakita niya ito sa loob ng kwarto ko, bago pumasok sa loob pagkatapos siyang padaanin ni Elion.

"A-Aray ko ma!" maging ako ay napangiwi din noong kinurot ni mama ang tenga ni Azriel at hinila siya palabas ng kwarto.

"Diba inutusan kitang kunin ang dustpan sa kwarto mo?! Tapos anong ginawa mo?" hanggang sa pwesto ko, rinig ko ang sinasabi ni mama kay Azriel.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama ko bago inaangat ang kumot para matulog na ako. Nung makahiga na ako, tiningnan ko si Elion na naka-krus ang dalawang braso niya habang nakasandal pa din sa door frame ng kwarto ko.

I admit, ang gwapo niyang tingnan.

"Ano pa ginagawa mo dito? Alis na. Matutulog na ako," saad ko bago siya inirapan.

"Don't sleep," saad niya kaya kunot ang noo kong bumaling sa kanya.

Anu daw?

"At bakit? Kita mo namang matutulog na ako tapos sasabihin mo, 'don't sleep'?" mataray kong tanong sa kanya.

"Matutulog kang nakasuot ang salamin mo?" tanong niya bago umayos ng tayo. Naka-black jacket siya at black jeans tapos nakasuot pa siya ng kulay brown na Timberlands.

"Pake mo? Atsaka bakit ka ba nandito? Wala naman tayong lessons"

"I know, it's just. Kung gusto mong gumanda sundin mo dapat ang oras na gusto ko, kagaya ng oras na gusto mo pag mag-aaral na tayo," agad akong napaupo dahil sa sinabi niya.

"What?"

"What?" pang-gagaya niya sa tono ng pananalita ko.

"At bakit gabi pa?! Hindi naman ako night owl kagaya mo!" pasinghal kong sigaw sa kanya.

"Bakit ikaw? Hindi naman ako morning bird," nakanguso niyang tanong.

Ano? Morning bird? Night owl? Nuyun?

"Heh! Basta matutulog ako!" saad ko bago nagtalukbong ng kumot.

"No," saad niya pero hindi na ako umimik.

"Kung gusto mong malaman ang style ng isang babae na gustong gusto ko, tumayo ka dyan at sasabihin ko sayo," hindi pa din ako umiimik.

Inaantok na ako eh!

"Magbihis kana, aalis tayo," pangungulit niya pa din bago ako tinapunan ng unan.

"Ayoko, ikaw nalang," saad ko.

"Kung hindi ka magbibihis, ako ang magbibihis sayo," saad niya pero hindi pa din ako tumatayo.

"Akala mo naman kaya mo," saad ko.

"Well, you don't know me well," saad niya bago ko naramdamang binuhat niya ako para makaalis na ako sa higaan ko.

Kung hindi lang niya ako hawak-hawak sa magkabila kong braso baka kanina pa ako nakahiga sa sahig. Tinatamad na akong tumayo eh!

"Gago, inaantok na ako-" nanlaki ang mata ko nung bigla niyang hinawakan ang dulo ng damit ko at akmang iaangat.

"Hoy! Seryoso ka talaga sa sinasabi mo noh?!" pasinghal kong tanong sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa damit ko.

A Girl Like You (CRS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon