15 : Another deal
"Let's go,"
"Ay tangina! Ano ba?!" pasinghal kong tanong kay Elion noong bigla siyang nagsalita sa likuran ko habang hinihintay ko si Andrei sa pagbabalik ng mga librong ginamit namin.
"Girls shouldn't curse," saad ni Elion bago pumunta sa harapan ko. Minsan talaga hindi pa din ako makapaniwala na kinakausap ako ng mala-anghel na lalaking ito eh.
"Bakit? Mukha ba akong babae?" biro ko sa kanya.
"Hindi," saad niya bago ako tinalikuran at naglakad habang nakasabit sa balikat niya ang itim niyang bag.
Tiningnan ko lang ang likod niyang papalayo pero agad naman siyang huminto sa paglalakad at bahagyang lumingon sa akin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Let's go," saad niya.
"Huh?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Tara na," saad niya.
"Eh? Paano si Andrei-"
"Hayaan mo yun," saad niya bago tuluyang humarap sa akin, napako naman ako sa kinatatayuan ko bago tumingin sa loob ng library.
"Gago, hinihintay ko si Andrei-"
"Sinabi ko sa kanya na pinapatawag siya ni coach at sinabi ko din na ako na ang bahala sayo," saad ni Elion bago nilagay ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya.
Napunta ng atensyon ko sa biceps niya na naka-flex sa harapan ko. Ang gwapo niya. Oh gosh!
"Ibaba mo nga yang braso mo, akala mo model ka, tch!" saad ko bago siya nilagpasan. Walang boses akong napatili nung nalagpasan ko na si Elion pero agad din akong nagblanko ng ekspresyon nung nasa tabi kona si Elion.
"Bakit kasama mo si Andrei?" tanong niya habang naglalakad na kami sa hallway. Medyo late na din kaya unti nalang ang mga estudyante na nasa school.
"Thesis," sagot ko. Mula sa peripheral vision ko, kitang-kita ko ang pag-ngiwi ni Elion.
"Bakit ka nakangiwi dyan?" tanong ko sa kanya bago bumaba sa maliit na hagdan pababa ng building namin.
"I hate thesis," saad niya bago nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa niya. Nasa may school grounds na kami at kitang-kita ko ang ibang mga estudyante na naglalaro ng volleyball.
"Diba malapit na yung Inter-high?" tanong ko kay Elion habang nakatingin ako sa mga volleyball players. May nakita pa nga akong gwapo dun sa volleyball team ng boys.
"Yeah," sagot naman nung nasa tabi ko. Sa nalalaman ko, usap-usapan ako ng mga kaklase netong si Elion dahil ako lang daw ang nakakausap ni Elion.
Nakalabas na kami ng gate ng school namin at huli na nung napagtanto kong hindi ko alam kung saan kami pupunta ng kumag na katabi ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang dire-diretso lang siyang naglalakad.
"My favorite place," sagot niya.
"Huh?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang isang babaeng katulad ko?! Dadalhin niya sa paborito niyang lugar?!
Mula sa malayo nakikita ko na ang entrance ng sementeryo. Napangisi ako bago hinawakan ang uniform ni Elion dahilan para tumingin siya sa akin.
"What?"
"Tara punta tayo sa sementeryo," saad ko bago siya hinila para bilisan ang lakad niya.
"Why?"
"Lilibing ko lang yung feelings ko sayo," saad ko bago tumawa ng malakas, natigil naman ako sa paghila sa kanya noong huminto siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
A Girl Like You (CRS #3)
Teen FictionCollege Romance Series #3 Azielle Suriaga, also known as the brainy nerd in school. She's been admiring the notorious badboy of Roundell University, Elion Galdua ever since she saw him. She always wishes everynight that she wants Elion to look at he...