Chapter 1

14 0 0
                                    

Chapter 1

 'Morning Al, ", bati ng isang malamyos na tinig mula sa pintuan ng opisina ni Aldrin. After he graduated sa UP 5 years ago ay nakapagpatayo na siya ng isang matatag at sariling kompanya . Ginamit niya ang napag-aralang Business Administration sa pagpapalago ng sariling negosyo na apat na taon niyang pinagsunugan ng kilay.

"O, hon? Why did you visit so early? Have problem?", aniya sabay tayo sa kinauupuang swivel chair at sinalubong ng yakap si Ken Rose, ang kanyang girlfriend at soon-to-be-wife.

"Nope. Wala naman. I just want to see the face of my angel before I go on to my own destination. Mukhang madami kang paperworks ngayon ah. 'Asan si Leslie?", tanong nito ng mapansing wala ang kanyang sekretarya .

"Ah, siya ba? She needs two months leave starting next next week. Sabi ko humanap muna siya ng temporary secretary na papalit sa kanya.Well I gave her one week para maasikaso at maturuan niya yung makukuhang temporary secretary replacement sa kanya. Sa ngayon, heto abala 'ko. Maraming orders na dumating. I badly need secretary nga eh," sa tonong naglalambing.

"Ah...bakit naman kailangan niya ng ganoong kahabang leave of absence? Don't tell me mag-aasawa siya?", anitong natatawa saka dinugtungan ang sinabi. "May balak pa yata tayong unahan!"

"Siyempre, hindi mangyayari 'yon. Tayo pa rin ang mauuna. She just needs to be with her parents sa probinsya nila. Nabasa na kasi 'yong last will nong lola niya. Alam mo naman ang  mga folks. Even they have nothing, they will assure the future of their family," anyang iginiya sa sofa ang nobya at doon sila nagpatuloy sa pag-uusap.

"Nga pala, sabi ni Papa, gusto na rin daw niyang mag-invest ng ilang share of stocks niya dito sa kumpanya mo. Tutal magiging manugang ka na naman niya," anitong bahagyang naging seryoso.

"Ganoon ba? Ang aga naman 'ata ng regalo ng parents mo sa kasal natin,"

"Naniniguro lang sila sa'yo. Pati sa'kin."

"Why? Do you think I'm planning of running away in our wedding?"

"No. Hindi sa ganon. Alam ko namang mahal mo 'ko eh. Kaso di mo rin 'yon maalis sa'kin. Gwapo ka, simpatiko, may matatag na negosyo. Maraming naghahangad sa puso mo," anitong lumambong ang mga mata.

"Ano ka ba? Alam kong gwapo ako at maraming naghahabol sa'kin pero have you realized? You're the only one whom I promised to live with for the rest of my lives, hmmm?? I won't hurt your feelings 'coz I just can't. As long as...."

"What? Alam ko naman 'yang sinasabi mo eh. Maaari ngang ako lang ang babaeng yon, sa ngayon. Pe---",

"Ano bang ikinakatakot mo? These past few days parang lagi ka na lang balisa. Bakit ba?",

"Nothing. Forget it, ok hon? I think I just had my mood swings. Siyanga pala, I want to present myself to Leslie to be your secretary. What do you think of my proposal?",

"I don't mix business with pleasure, hon. You know that.",

"But of course, just kidding. By the way, I'll be leaving na. Bye! I love you," ani Ken Rose na humalik pa sa pisngi niya bago tuluyang naglakad palabas ng kanyang opisina .

"Take care!", pahabol pang binata sa kanyang kasintahan.

'CUPID's COMPANY'

URGENTLY NEEDED! SECRETARY (TEMPORARY) FOR TWO MONTHS ONLY. LOOK FOR MS. LESLIE BARRAMEDA FOR ORIENTATION. CONTACT HER AT THIS HOTLINE."

anang nakasulat sa classified ads section ng Philippine Daily Inquirer na binasa ni Melanie. "Hmmm, interesting huh? Well, wala naman akong pinagkakaabalahan ngayon eh. Try ko kaya. There's no harm in trying naman eh,"  bulong sa sarili ng dalaga matapos ay idi-nial ang hotline number na nakasaad doon. Limang taon na mula ng magtapos siya ng kursong Public Relations ADVERTISING and SALES sa isang eksklusibong  paaralan sa Maynila. Kadalasan siyang pinag-aagawan ng iba't ibang naglalakihang kompanya dahil sa galing niya sa Marketing at pakikipagtransaksyon sa mga bigating kliyente at negosyante ng kompanyang pinapasukan. Di naman iyon kataka-taka dahil sa bukod sa siya'y may pleasing personality that attracts big clients ay ismarte siya sa pag-iisip at sa pagkilos. After working for 5 straight years matapos ng kanyang pagkuha ng diploma sa kolehiyo, she took a break para makapag-relax at makapagliwaliw. Pero ngayon ay medyo nababagot na siya sa simpleng lifestyle niya at naiirita din sa makulit niyang suitor na si Deighton dela Merced. Mula ng magtrabaho siya sa kompanyang pag-aari nito ay nagparamdam na ito ng paghanga at pag-amin ng nararamdaman nito sa kanya. Kahit nga nag-resign na siya sa kompanyang pag-aari nito para tigilan na siya nito ay tuloy pa rin ito sa pagpapadala ng mga walang kwentang bagay para sa kanya.

"Siguro naman ay titigilan na ako ng mokong na yon pag nalaman niyang abala na 'ko sa bago kong trabahong ito. I'm sure naman makukuha ko ito. Sabagay hindi nila ako matatanggihan lalo pa kung makikita nila ang peformances at recommendations ko from the past companies I;ve gone thru", kompiyansang sinabi ni Melanie sa sarili.

"Hello? Who's on the line please?", tanong ng tinig ng isang babae mula sa kabilang linya ng telepono na nakapagpabalik sa diwa niya sa kasalukuyan.

"Ah...Goodmorning po ma'am. I'm Melanie Balanlayos. I have read your job offering from the newspaper and I am one of those who wanted to apply on that job."

"Ok. Ms. Balanlayos right?"

"Yes po ma'am."

"What can I do for you?"

"Gusto ko lang pong malaman kung paano ko po maisa-submit yung resumé kasama po nung ibang credentials ko?"

"Ah, alright. You'll be having an interview at Cupid's Company tomorrow 10 o'clock in the morning. The location of our company is already written on the ad. I'll be waiting for you tomorrow. Just bring your credentials tomorrow with you,"

"Ah, ok po. Thank you very much po ma'am!",

"Alright. Goodluck and see you tomorrow!",

"Thank you again ma'am! Bye!", aniya kasabay ng pagbaba niya ng telopono. "Malakas ang pakiramdam ko. Makukuha ko ang trabahong ito," bulong ni Melanie sa sarili saka pumanaog sa kwarto para ihanda ang mga kinakailangan niya para bukas.

I Believe in You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon