Chapter 3

7 0 0
                                    

Chapter 3

“Good morning Sir!”ani Leslie kay Aldrin saka tuluy- tuloy na pumasok sa kanyang opisina.

“Morning. How’s your replacement finding?”aniyang ngumiti sa mabait n’yang sekretarya.

“I’ve appointed her to start her work tomorrow, Sir. She will be a better replacement to me, I think.”

“How did you say that? Is there someone better than my very efficient and thoughtful secretary?”aniyang nakangiti rito. Wala naman kasi siyang maipipintas sa sekretarya niyang ito.

Simula ng maging katrabaho n’ya ito sa pagtatatag ng negosyo ay itinuring na nitong ikalawang tahanan ang kanyang kumpanya. Masipag sa trabaho at isang mabuting kaibigan.

“There’s always someone better than what we are Sir. I must admit that,” anito.

“Kahit kailan talaga, napaka- humble mo Leslie. I think I’m going to miss working with you. By the way, ‘asan nga pala yung resume at credentials nung sekretaryang hinire mo?”

“Ah, bukas ko na lang po ibibigay Sir. Naiwanan ko po kasi sa bahay eh.”

“Well, tiwala naman ako sa kakayahan mo Les. I know you hired someone worthy of your job,” aniya rito. Matapos ang iba pang nilang pinagdiskusyunan ay ipinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa.

………………………………………………………………………..

Maaga palang ay gising na si Melanie. “This is my first day! Kailangan kong pagbutihan ang trabaho ko lalo na’t baguhan pa lang ako,” bulong n’ya sa sarili matapos magtungo sa banyo para maghilamos at magsepilyo ng mga ngipin. Tapos na kanyang week- long orientation at madali lang niyang natutunan ang mga itinututro ni Leslie sa kanya. Matapos magsepilyo ay agad ng bumaba ang dalaga papuntang komedor para kumain.

“Ang bango talaga ng luto ng Mama ko. T’yak pang masarap pa ito!”aniya sabay upo sa harap ng mesa at nagsimula ng kumain.

“O, damihan mo ang pagkain mo ah. Di ka dapat nanghihihna pag nasa trabaho na,” ani Aling Marina, ang kanyang ina.

“Lagi po akong energetic sa trabaho ‘no. kayo lang naman ang walang tiwala kakayahan ko eh,” aniyang nakasimangot.

“Ang sinasabi ko lang naman para sa kabutihan mo. H‘wag mong masamain, ok?. Ngumiti ka naman d’yan. Unang araw mo sa trabaho eh, nakasimangot?”anito sa himig na nagbibiro. Matapos niyang kumain ay tumayo na s’ya at pumanhik sa kanyang k’warto para magsimulang mag- ayos ng sarili at mag- asikaso sa pagpasok.

………………………………………………………………………….

Bago tuluyang kumatok si Melanie sa pintuan ng opisina ng kanyang big boss ay humigit muna siya ng isang malalim na butong- hininga. “Kaya ko to!”aniya sa sarili. Matapos ay gumawa ng dalawang sunud- sunod na katok.

“Come- in,” anang isang baritonong tinig na parang pamilyar sa kanya mula sa loob ng opisina. “Baka nagkakamali lang ako,”bulong n’ya sa sarili saka ipinilig ang ulo. Matapos ay pinihit ang seradura ng pinto saka pumasok.

“Good morning po Sir!”aniya sa lalaking nakaupo sa harap ng laptop nito habang nakatungo at abalang- abala sa pagbabasa ng samu’t saring papeles sa harapan nito.

“Hmm. Malaking tao. Athletic ang pangangatawan. Siguro nasa 5’9 or 6 ang height nito. Maganda ang style ng brown na buhok nitong tayu- tayo. Magandang lalaki siguro ‘to. Makinis ang balat eh. Mukhang bata pa, parang ka edad ko lang ah,”bulong ni Melanie sa sarili habang mataman pinagmamasdan ang magiging amo ng biglang tumunghay ito at ngumiti sa kanya. Ngiting napalis at nahalinhan ng pagkabigla at pagtataka.

“Melanie?!”

“Aldrin?!” anilang sabay pa silang nagsalita.

“What are you doing here, Melanie? What a pleasant surprise?”anito sa kanya na tila naguguluhan sa nangyari.

“You’re the one I suppose to ask about that Aldrin. Don’t tell me, ikaw an gang may- ari ng kumpanyang ito?”aniyang naguguluhan din.

“Why a sudden surprise, huh? Ako nga ang founder ng kumpanyang ito limang taon na ang nakakalipas mula ng itatag ko.”

“You, what are you doin’ here?”dagdag nitong sumandal sa swivel chair nito at malapad ang ngiting nakatingin sa kanya.

“So, ikaw ang magiging boss ko? I’m the temporary secretary your secretary hired, di mo alam?” aniyang pinapawi ang pagkabigla.

Matapos ang higit sampung taonng hindi nila pagkikita ni Aldrin ay hindi niya inaasahang sa ganitong paraan sila muling magkikita.

“Well, she hasn’t given me yet your resume. And fantastically, I was caught by a surprise. What a coincidence!”

“Oo nga, what a coincidence. Even in my wildest dreams, I never thought of seeing you again in this way.”

“Siguro nga. Talagang kataka- takang makita mo ulit ang isang talunang tulad ko sa kalagayan ko ngayon. Well, enough for that. Forgive me for being so rude. Ni hindi man lang kita pinaupo. Have a seat please,” anitong biglang nalakipan ng pagkainsulto at lungkot ang tinig.

“Thanks!”aniya n’ya rito. “Hmp! Kahit naman kailan talaga rude ka!”aniya sa sarili saka nagpakawala ng isang pilit na ngiti.

“Let’s go on to the business. As you can see madami akong trabaho. Have you seen your office beside mine?”anitong ang atensyon ay nakatutok sa laptop nito.

“Ah, oo. Na- orient na ‘ko ni Ms. Leslie ukol sa mga bagay- bagay dito sa kumpanya mo.”

“Good,” anitong tumango- tango. Maya- maya pa’y nagsalita uli ito.

“You better start working now and don’t waste your time staring at me. Saka na lang tayo mag- usap ng tungkol sa mga buhay- buhay natin. I urgently need to finish this project as soon as possible. If you don’t mind,”anitong sumulyap pa sa kanya bago nagpatuloy sa ginagawa.

Tumayo naman s’ya agad para sundin agad ang utos nito. “Hmp! Hindi naman ako nakatitig sa’yo presko! Tinitignan ko lang ang mga ginagawa mo!”aniya sa sarili saka tuluyang naglakad papalabas ng office nito ng bigla nitong tinawag,

“By the way, before you fix your things in your office, will you please bring me a cup of black coffee?”

“Right away Sir!”aniya saka agad tumalima.

I Believe in You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon