Epilogue

60 1 0
                                    

2007...(1st year high)

"O, ano? nag-away na naman kayo ni Melanie?", tanong ni Sabrina sa pinsan at kaklaseng si Aldrin habang nasa klase. Recess time nila noon kaya ayun, free silang mag-ingay.

"Eh, kase naman 'yung babaeng 'yun eh. Palagi na lang akong inaasar na bakla. 'Di nga ako tinitigilan non eh. Tingnan mo nga 'tong braso ko o, puro pasa na eh.", anito sabay turo sa nasaktang braso.

"Asus! Ikaw naman kasi ang may kasalanan eh. Lagi mo na lang inaasar na tomboy yung tao kaya naman hindi kayo magkasundo. Mag-sorry ka na kaya dun!"

"Ba't naman ako magso-sorry? Ako ba ang may kasalanan? At saka siya naman 'tong palaging nangunguna. Lagi na lang akong ginagawang punching bag."

"Sino bang may kasalanan? Ikaw 'tong lalaki pumapatol ka sa babae. Kaya ka  nasasabihang bakla eh. Bakla ka nga ba?"

"Hoy! Hindi 'no! Madami ngang nagkaka-crush sa'kin eh."

"Tingnan mo si Melanie, ayun oh, malungkot. Mag-sorry ka na kasi."

"Eh bakit nga ako magso-sorry? Ako ba ang may kasalanan?"

"Akala ko ba lalaki ka? Be a gentleman naman. Sulatan mo na lang kung nahihiya kang lumapit."

"Ayoko nga!"

"Ano gusto mo bang hindi na kayo magkabati? Ba't ba kayo nag-away?"

"Di naman kami nag-away, totally. Ayaw ko lang siyang masaktan kasi....."

"Kasi ano?"

"Ayaw kaya nina JP sa'kin! Eh diba sila yung bestfriend ni Melanie dahil magkakaparehong school sila noong elem?Sasaktan ko lang daw siya kasi nga may crush siya sa'kin tapos bakla naman daw ako. Kasalanan ko bang ganito ako kagwapo?"

"Hus. Yabang! Ano namang kinalaman non sa pag-aaway niyo?"

"Hindi ko kasi maipakita 'yong gusto kong ipakita sa kanya  kasi nga ayaw nga nina JP. Saka ayaw ko din sa ganoong babae. Parang lalaki kumilos. Gusto ko 'yun bang female? femine....Ano ba 'yon?

"Femine? Sira! Feminine!"

"Yon! Ganon nga!"

"Ang sabihin mo, tinamaan ka lang sa kanya! Kasi ngayon ka lang kinaya-kaya at binara-bara ng isang babae. Feeling mo kasi por que gwapo ka, lahat ng babae madadaan mo sa gandang lalake mo! Ano ka ngayon kay Mhelay! Sige nga!"

"Kahit pa! Crush niya nga 'ko eh. Paano ko siya magugustuhan kung ganon siya kumilos! Parang lalake."

"Eh di kung naging babaeng-babae pala kumilos si Melanie, maiin-love ka sa kanya? Or shall I say, nain-love ka na sa kanya?"

"Sira! Wala akong sinasabing ganon 'no?" anito sabay batok sa kanya.

"Aray! Ano ba? Kunwari ka pa dyan huling huli ka na! Umamin ka na kasi! Sige ako na nga lang ang magpapadala ng sulat kay Mhelay. Sasabihin ko sorry na sabi mo."

"Eh di magpadala ka! Wag mo lang sasabihing galing sa'kin."

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Gusto."

"Eh yun naman pala eh, " aniya saka kumuha ng long pad at nagsimulang magsulat.

"Dapat english speaking 'yan ha?"

"Demanding ang bakla. Hello? Ako na nga 'tong nagsusulat ako pa ang mag-iisip ng 'ENGLISH SPEAKING' na sasabihin! Ikaw na kaya ang magdikta 'no?!", aniya na nagsimulang makinig sa sinasabi nito. Matapos makagawa ng liham ay ipinaabot nila ito kay Melanie buhat sa kabilang row ng upuan. Ngayon lang naging ganito ang kanyang pinsan sa isang babae. Alam niya na natatakot lamang itong umamin ukol sa nararamdaman nito. At iyon ay dahil kay Melanie. Ngayong first year lang nila ito naging kaklase dahil buhat sila sa iba't ibang schools noong elementary. Unang beses na naging kaklase pero lubos ang naging papel sa buhay ni Aldrin. Magaan agad ang loob niya rito lalo na ng malaman niyang may crush ito sa pinsan niya. Marahil ay dahil nga sa totoong gwapo ito. Pero agad itong nadismaya ng malamang malamya itong kumilos samantalang si Melanie ay tigasin dahil na rin siguro sa puro lalaki ang kapatid at certified daddy's girl. Kaya siguro nang magkabanggaan ang dalawa ay grabeng bangayan ang nagaganap. Na ngayon ay isa ring dahilan ng away nito ngayon.

I Believe in You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon