Chapter 8

4 0 0
                                    

Chapter 8

"WHEN we're still in high school, I was really afraid of getting responsibilities of a relationship. I was so frightened of the fact that I might hurt you or do something that will make you cry. Lagi akong nagpapa-pansin, nagpapa-epal, nang-aasar. Maybe that's my way of carrying a relationship lighter. Natatakot akong masaktan ka. At para makaiwas dun, I changed  myself. I know, maraming nakakapansin sa ugali at kilos ko. So I really pretended that i am what you are thinking. Sinagot ko ang isang lalaking nanliligaw sa'kin. Akala ko kasi noon makakaligtas na ako. Iniisip ko, if I hurt you earlier, then it will be easier for you to let me go. Hindi na kita masasaktan and you'll find someone better than me na walang ginawa kundi matakot sa consequences. Someone na mas magmamahal at magpapaligaya sayo. Yung pupuno sa pagkatao mo. Pero....nagkamali ako. Walang pinatunguhan ang relasyong akala niyo'y masaya ako. I was lost when you left me. I'm always pretending I'm always happy that you're not around. But it was you're presence that I'm missing so much. Naaalala mo ba nung binisita mo kami with your new friend sa school? I was so quiet. Di ako mapakali. I pretend, and always pretends I'm alright but really not. You're presence causes much to me, so much", ani Aldrin na noo'y nakaupo sa buhanginan katabi ni Melanie matapos ang mahabang katahimikan na namagitan sa kanila. Tuyo na ang mga luhang pumatak sa pisngi niya at ngayo'y naguguluhan pa rin at nananatiling tahimik. Maya-maya pa'y pinagpatuloy ni Aldrin ang pagpapahayag ng kanyang nasasaloob.

"You know what? Nung una kitang makilala....I was really amazed of your personality. Very strong yet magnetic. Hindi nga ako natuloy mag-transfer noon kasi nga ayokong isabuhay natin 'yung binigay kong theme song natin sa'yo. But then, hindi talaga kumpleto ang relationship ng walang struggles. Struggles kung saan doon ako mahina. Pero noon 'yon Melanie. Not now. I desperately want you to be back in my arms. And no one can stop me," anitong nakatingin sa kanya.

"Why now? Bakit ngayon mo lang sinasabi sa'kin yan Aldrin? Bakit ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na dapat sana'y matagal ko ng inunawa? Bakit ngayon kung kailan, kung kailan ikakasal ka na?", aniyang muling napaluha. Pilit pinaglalabanan ang damdaming kanina pa nais kumawala sa kanyang dibdib.

"I'm sorry. Duwag ako . Naduwag ako noon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon Melanie. Maniwala ka. I will never stop fighting just to have you. Ngayon pang pinagtagpo ulit tayo ng tadhana? Ken Rose will understand us...Melanie believe me please?", 

"Pero---",

"No more but's. you're heart keeps on saying it's not fair. But still,you have to make up your mind. We never really say goodbye Melanie. But when we drifted far apart, I knew I lost my heart. When I saw you, I  could hardly speak. You're just as beautiful as ever. Maybe first love never dies that's why I'm still inlove with you. Please look into my eyes... Please look  at me," ani Aldrin sabay hawak sa baba niya at iniangat ang kanyang mukha.

"Aldrin please---", 

"Ssh, look at me and tell me you don't feel it too," anito saka pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pero sa kabila ng kanyang pagtanggi ay naghari pa rin ang damdamin niya at kagustuhang ibigin itong muli. Mahigpit niya itong niyakap saka muling umiyak.

"Oh, God! I love you Aldrin. I never stop loving you", aniya rito.

"Melanie! Thank God! I love you too babe, I love you very very much, I'm sorry for causing you so much pain. I'll never let that happen again. I will never hurt you again", ani Aldrin na hinigpitan pa ang yakap dito. Yakap na tila walang hangganan. Alam nila na kapwa na nagkakaunawaan ang kanilang mga puso bago matapos ang gabing iyon. Pag-ibig na hinihintay na ng bukas upang muling masubok.

----------------------------------------------------------------------------

"ALDRIN! ALDRIN!", sigaw ni Bruce mula sa labas ng kwarto niya sabay katok ng malakas sa kanyang pinto.

"Wait! 'Coming!', aniyang di naitago ang iritasyon sa tinig dahil sa naantalang pagtulog. Pagbukas niya ng pinto ay ang nag-aalalang mukha ni Bruce ang  namulatan niya.

"O, pare bakit?" aniyang naalarma sa anyo nito.

"Si Ken Rose pare, she met an accident on her way here. Puntahan mo na siya", anito sa kanya na hindi magkandatuto sa pagsasalita.

"What?!", aniyang nabigla sa sinabi nito.

"She met an accident while we're talking on phone. Puntahan mo na siya. She's on the nearest hospital from here. Makikita mo agad yon."

"Pe-pero kakausap lang namin ni Me---",

"Sige na pare, ako ng bahala sa kanya", anitong nalilito.

"Pe-pero hahanapin niya---",

"Ken Rose is in critical stage pare go on. Ako ng bahala kay Melanie", putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Yun lang saka agad siyang nag-asikaso bago tuluyang umalis ng cottage na yon at pinasibad ang kanyang kotse.

I Believe in You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon