Chapter 2

12 0 0
                                    

Chapter 2

"GOODMORNING HON! OK, OK. I'm coming just wait," ani ng nagmamadaling si Aldrin na palabas sa kanyang opisina. Ihahatid pa kasi niya ang kanyang kasintahang si Ken Rose sa Airport sapagkat personal na nitong kumbidahin ang mga kamag-anak nito sa Canada para dumalo sa kanilang kasal. Pero sa paglabas niya ng elevator ay hindi niya na napansin ang babaeng kasalubong kung kaya't nabunggo niya ito ng di sinasadya. Kung hindi nga lang niya agad na nahapit ang babae ay  baka natumba na ito.

"I'm sorry Miss. Are you alright?", aniyang agad na humingi ng dispensa at pag-aalala sa nabiglang babae.

'Alright? Sira ba ang ulong lalaking ito na matapos siyang bungguin ng walang kaabog-abog ay itatanong kung ayos lang siya? bulong ni Melanie sa sarili. Pero sa halip na bulyawan ang lalaking nakabunggo sa kanya ay napatda lang siya sa pagkabigla.

"Melanie, ikaw ba 'yan?", pukaw sa kanya ng baritonong tinig nito

"Aldrin? Ah...e, what are you doing here?" anang nabiglang dalaga na tarantang inayos ang sarili. Malay ba niyang makikita niya dito ang lalaking higit sampung taon niyang itinago sa pinakasulok ng kanyang puso.

"You're the one I should ask about that. How....", ani Aldrin ng biglang naputol ang sasabihin ng biglang mag-ring ang sariling cellphone.

"Oh, hon...I'm sorry. I'm on my way na. Please wait...OK", anito saka ini-off ang cellphone at muli siyang binalingan.

"Sayang. We can't talk much longer Melanie. I hope we can do it some other time. But for the meantime hello's lang muna. Sorry ulit," ani Aldrin na kumindat pa sa kanya bago tuluyang umalis.

"Si Aldrin ba 'yon? Parang hindi siya yung dating Aldrin na kilala ko. Ba't kaya siya narito? Mukhang bigtime na ah! Hmp! Ano ka ba naman Melanie? H'wag siya ang isipin mo i-relax mo ang sarili mo at may interview ka pa! You should impress your interviewer para pasok agad. Go!", ani Melanie sa sarili habang nasa loob ng elevator. Sa unang pagkikita ng lalaking nagdulot ng sakit sa kanyang puso, nag-iwan agad ito ng samu't saring tanong sa isip niya.

"COME IN!", ani Leslie matapos makarinig ng sunud-sunod na warning knock sa pinto ng kanyang opisina. 

"Goodmorning po ma'am", anitong isang babaeng pumasok sa kanyang opisina at tumayo sa kanyang office desk.

"You must be Melanie Balanlayos? Please have a seat," aniyang nakangiti sa kadarating lang na aplikante.

"Yes ma'am. Here's my credentials," anito habang nakaupo.

"You're 10 mins. early than what I've told our meeting time is. As I can see it, you can be a very efficient secretary," aniya.

"Thank you po ma'am. Naniniwala po kasi ako sa kasabihang "The early bird catches the worm," anitong nakangiti.

"Good point of view in life. Hmm...maganda ang performances mo from other company you have been before. I can see it through your recommendations. Bakit ka nag-resign sa Heaven's at Dela Merced's Company? It is a very exclusive company. I also heard na maganda ang pasahod. Is it the way they treat their employees?", aniyang naging curious sa dahilan ng dalaga kung bakit ito nag-resign sa kilala at napakalaking kompanya sa Pilipinas.

"It wasn't that way ma'am. I must admit, Heaven's at Dela Merced's is a very good company. Totoo pong maganda ang pasahod nila. Mahusay din po sila makisama sa mga tauhan nila. It's just that the son of the old Mr. Dela Merced happens to court me even in our work. I just don't like it . Hindi po sa pagmamayabang pero I don't really mix business with pleasure. Ayoko pong may masasabi po yung ibang taong makakakita, masagwa po kasing tignan di po ba?", mahabang litanya nito.

"Vey well said Ms. Balanlayos. I assure you, magkakasundo kayo ni Sir. Ganyan din kasi ang paniniwala niya.", aniya na nakangiti rito.

"Po? Hindi po ba kayo ang magiging boss ko? Kung saka-sakali?", anitong nabigla pa.

"No, Hindi talaga ako. I'm just his secretary."

"Eh, bakit ho kayo ang nagawa ng interview? Saka kayo na po pala yung secretary eh bakit pa po kayo nagpapa-hire?"

"Kailangan kasing ako ang personal na mag-assist sa temporary secretary na ipapalit muna sa'kin for the meantime. I have to leave for two months din kasi eh. Personal reasons. And I'm personally hiring you at this very moment!"

"Po!? Ganon lang po kadali yon?",

"I need to orient a secretary pa. One week lang ang palugit ko. Isa pa you're very suitable for the job. Among almost thirty plus applicants ikaw ang very qualified. Alam kong madali mong matutunan ang trabahong ito", aniyang nakangiting tumayo sa swivel chair niya at inabot ang kamay nito.

"Thank you po ma'am!", anitong nakangiti rin.

"So, you shall be here tomorrow. We will going to start your orientation urgently,"

"I see you then, ma'am," anito saka nagpaalam na may kalakip na ngiti sa mga labi.

"GOODBYE HON! I'll miss you so much," ani Aldrin sa papaalis na kasintahan.

"Sus, ano ka ba? I'm just leaving para asikasuhin yung invitations ng kasal natin. You don't have to worry," anitong hinawakan pa ang kanyang mga kamay.

"I know that hon, pero,nandon si Jerry. I'm afraid he might do something drastic just to have you. 'Careful ok?", aniyang lubos ang pag-aalala.

"He can't win me anymore. You're my man", anitong nakangiti. Apat na taon na mula ng muling magkita sila ni Aldrin na naging kaklase niya noong elementary. Kabi-break palang niya noon kay Jerry na noo'y nahuli niyang nakikipaglambingan sa ibang babae. Mahigit dalawang taon na ang relasyon nila ni Aldrin ng muli siyang binalikan nito. Pilit siyang inaagaw kay Aldrin kahit na alam na nitong ikakasal na sila. At ngayon nga ay nasa Canada ito kung saan naroroon ang folks niya.

"I never doubt that, but your safety. We don't know what he can do to you. Lalo pa't wala ako sa tabi mo," ani Aldrin sa kanya.

"Thanks for concern hon, I'll take good care of myself. You too, ok?", aniya rito at hinalikan  sa pisngi ang kasintahan saka tuluyan ng naglakad papuntang departure area.

I Believe in You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon