Part 1

197 6 1
                                    

"Pars, peram notebook. Kopya lang akong notes." Bungad niya sa 'kin pagkapasok niya ng room.

Agad ko siyang binigyan ng pitik sa noo pagkalapit niya.

Bwiset 'to! Aabsent-absent pa kasi.

"Eh nagkayayaan kahapon eh. Kalaban namin 'yung kabilang kanto." Paliwanag niya agad habang hinihimas ang noo. "Pero thank you ah, ano sinabi mong excuse?"

"Sabi 'ko nagka-LBM ka. Sinabi ko ring nagkalat ka sa higaan niyo." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Hala totoo? Sinabi mo talaga 'yun? Pars naman, ang baboy ng excuse mo." Nakasimangot niyang sambit na parang bata, may pa-pout pa amp.

"Tangek, siyempre hindi. Obob mo na naman." Sabi ko sa kaniya sabay pitik na naman ng noo niya.

"Aray! Nakakarami ka na." Maktol niya na naman habang hawak noo. "Oh, notes mo ah. Libre ulit kita mamaya ng lunch."

"Ay talaga? Wait, record ko." Umakto pa kong kukunin phone ko sa bag. Tumawa lang siya at agad ding bumalik sa upuan niya nang dumating na ang prof namin.

Breaktime. Agad siyang lumapit sa 'kin at inakbayan ako gaya ng dati niyang gawi na mahilig mang-akbay ng mga babae.

"Cy!" Tawag niya sa pangalan ko sabay tapik ng bolang tatama sana sa 'kin.

"Ok ka lang?" Tanong niya sa akin habang chinecheck ang katawan ko.

"Tangek, ayos lang ako." Sabi ko sabay tapik ng kamat niya. 'Yung puso ko kasi kumalabog na naman. "Salamat."

Agad siyang bumaling sa naglalaro ng basketball sa opened ring namin sa school.

"Hoy! OA mo shumoot, lapit mo lang sa ring ang lakas mong humagis." Singhal niya sa lalaking muntik ng makatama sa 'kin.

Napangiti nalang ako dahil nagkaroon ako ng bestfriend na katulad niya.

He's my bestfriend for 7 years at aminin ko man o hindi, alam kong minahal ko na siya---hindi bilang kaibigan, kundi lalaki.

I'm in love with him for 3 years. I was just 15 when I realized it. Pero gaya ng iba, natatakot akong umamin at malamang 'di niya ko kayang mahalin bilang isang babae at hindi bilang isang kaibigan.

"Anak, baba ka na. Nandito na pinsan mo." Tawag sa 'kin ni mama.

Tiningnan ko ang picture ni Kier sa wallet ko. Nakapeace sign siya habang nakaakbay sa akin na nakapeace sign din.

Nandito na naman si Apple, ang pinsan kong crush ni Kier dati.

I hope naka-move ka na kay Apple.

"Cyreeneeee!" Bati agad sa akin ng pinsan ko sabay yakap sa akin. "Namiss kita CyCy!"

Niyakap ko rin ito saka nginitian.

"Namiss din kita mansanas." Bati ko rito.

"Oh? Nasaan si Kier?" Hanap niya agad sa bestfriend ko.

"Ah wala, di ko nabanggit sa kaniya ma darating ka. Sorry." Ani ko.

"Sayang, kala ko pa naman nandito rin siya." Malungkot niyang sambit.

Nginitian ko nalang din ito saka umakyat na ulit sa taas. Tiyak na matutuwa na naman si Kier kapag nalaman niyang nandito na naman si Apple.

"Hoyy! May kasalanan ka sa 'kin." Bungad sa akin ni Kier pagkapasok niya ng classroom namin. "Di mo sinabi sa 'king nandito na si Apple?"

Unsaid Feelings [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon