Part 3

70 4 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kapapasok na si Kier, ang bestfriend ko.

"Hinatid mo na si mansanas?" Nakangiti kong bungad sa kaniya.

"Ah, oo. Bakit?" Tanong nito.

"Wala naman. Tinanong ko lang." Pekeng ngiti ko rito.

Gusto ko ng kausap.

Uwian na at sinadya kong bagalan ang pagliligpit ng mga gamit ko para magsabay kami ni Kier.

"Tara na, Cy." Napatingin ako kay Dave na inaaya na akong umuwi.

Madalas ay si Dave na ang kasama ko pag-uwi dahil sinusundo ni Kier si Apple sa school niya.

"Ah, Dave mauna ka na. M-may pupuntahan lang kami ni Kier." Sambit ko rito. Tiningnan niya muna si Kier bago tumango at umalis.

Nanliligaw sa akin si Dave. Kahit ayaw ko pa, mapilit talaga siya.

"Ah, Kier. Pwede ba kita makausap? Pwede ko ko samahan pag-uwi?" Sambit ko rito dahil gusto ko ng may mapagkuwentuhan. Siya ang una kong gustong makarinig ng problema ko.

"Ah, sige. Tara na. Tetext ko nalang si Apple." Sambit niya bago kinuha ang bag. Sabay kaming lumabas ng classroom.

"Bakit pars? May problema ka ba?" Tanong nito kaagad sa akin.

"I..." nakatitig lang ako sa dinadaanan namin. "I will be leavi---"

"Wait." Sambit niya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Appl---sino 'to?" Sagot niya sa tawag. "Bakit nasayo ang cellphone ni Apple?"

Nagtaka ako sa pag-iba bigla ng tono ng boses niya.

"Nasaan kayo?" Tanong nito. "Sige sige, punta na ko diyan." At binaba ang cellphone niya.

"I'm sorry pars, kailangan ko lang sunduin si Apple. Nalasing daw eh." Paalam nito kaya nginitian ko na lamang siya habang nakatanaw sa nagmamadali niyang lakad.

I will be leaving, Kier. Nakaalala na ako. Aalis na ako para doon mag-aral sa Australia. Nakatanggap ako ng scholarship doon na pinag-applyan ko at pumasa ako. Aalis na rin ako para palayain na ang sarili ko sa 'yo.

Nakaalala na ako at labis ang iyak ko noong naalala ko na ang kasamaang naggawa ko sa pinsan ko nang dahil lang sa selos.

Ayoko ng mangyari iyun ulit kaya tinanggap ko na ang scholarship na nakuha ko sa Australia. Hopefully ay makamove on ako sa 'yo.

"Oh pars, ano nga ulit 'yung sasabihin mo sana sa akin kahapon?" Tanong sa akin ni Kier pagkapasok niya ng classroom.

"Kumusta na si Apple?"

Hindi na ako nakabalita kay Apple dahil nag-dorm na ito na malapit sa school niya. Pero kahit ganun pa man, sinusundo pa rin siya ni Kier.

"Hindi ko alam, naglasing nalang bigla kagabi. Kakausapin ko pa siya mamaya."

Dumating naman ang Prof namin kaya hindi na rin kami nakapagdaldalan pa nang matagal.

"Puntahan nalang kita sa bahay niyo mamaya ah para mag-usap. Parang mabigat 'yang problema mo eh. Puntahan ko lang si Apple, nagtext na eh." Sambit nito.

"Sige lang. Kasabay ko naman si Dave." Ngumiti ako ng pilit dito. Tiningnan niya naman si Dave at nginitian din.

"Hindi na ba talaga magbabago isip mo?" Tanong sa akin ni Dave nang nasa harap na kami ng bahay namin.

Unsaid Feelings [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon