Part 2

98 6 1
                                    

Takot agad ang bumalatay sa sistema ko nang makita ko si Cyreene na nakahiga't duguan sa kalsada.

"Shit!" Tanging nasambit ko bago ko siya puntahan.

"Cy, wuy gising pars." Tawag ko sa kaibigan ko. Pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya.

Marami na rin ang nakiusyosong tao kung kaya't tiningnan ko sila ng nakikiusap.

Please call the ambulance.

Tila nakuha naman ng babae ang ibig kong sabihin kung kaya't agad siyang nagdial sa cellphone niya.

"Pagalingin niyo po bestfriend ko." Umiiyak kong sambit sa doktor bago ipasok si Cy sa operating room.

Agad kong kinuha ang cellphone ni Cy na inabot sa akin ng nurse para tawagan sila tita.

"Asan si Cy?" Bungad agad sa akin ni Tito Rene. "Asan ang anak ko?"

"N-nasa operating room po." Sagot ko rito.

"Anong nangyari? Bakit naaksidente ang anak ko?" Tanong naman ni Tita Cyrel sa 'kin.

"N-naaksidente po siya p-pagtawid sa a-amin." Sagot ko rito.

Kasalanan ko kung bakit naaksidente si Cy.

Nagalit ako sa kaniya kaya siya naaksidente.

Ang sama kong kaibigan.

Ilang oras pa kaming naghintay sa labas ng OR bago lumabas ang doktor. Sabay kaming tumayo pagkalabas nito.

"Kamusta na po ang anak ko dok?" Tanong agad ni tito Rene rito.

"She's stable now. Ililipat na namim siya sa private room mamaya after ng packing. We just have to wait kung kailan siya magigising." Sambit ng doktor bago ito umalis.

Naghintay lang kami ng hanggang kinabukasan sa kwarto ni Cy, naghihintay na magising siya.

"Cy." Napalingon ako kay tita nang tawagin nito ang pangalan ni Cy. "Cy anak."

"Ma, pa, g-gina-gawa k-ko po r-rito?" Hirap nitong sambit dahil sa nakaabit sa kaniyang bibig.

"Mabuti at nagising ka agad anak." Umiiyak na sambit ni tita.

Lumapit naman ako para tingnan si Cy. Nakokonsensya ko siyang tinitigan.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng kapal ng mukha para magpakita pa sa kaniya. Pero isa lang ang sinasabi ng utak ko.

Ayokong mawala ang kaibigan ko sa akin.

"Cy." Tawag ko sa pangalan nito. Nilingon naman ako nito sa mga mata na para bang nagtatanong.

"Sino ka?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Anak, si Kier 'yan. 'Yung bestfriend mo." Pagpapakilala ni tita sa akin.

"Po?" Nagtataka nitong sambit.

H-hindi niya ko nakikilala?

Nasaktan ko ba siya ng sobra kung kaya't madali niya kong nakalimutan?

"C-Cy." Tawag ko ulit sa pangalan nito pero tanging titig lang na nagtatanong ang pinukol nito sa akin.

"Tawagin ko lang ang doktor." Sambit ni tito.

"She's having a selective amnesia. Marahil ay dahil ito sa pagkabagok ng ulo niya. But let's give her some time, makakaalala rin siya." Paliwanag ng doktor. "Excuse me."

Unsaid Feelings [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon