Part 5 [Last Part]

107 6 1
                                    

"May maganda akong balita sa 'yo." Kwento nito sa akin pagkatawag niya.

"Oh dali, ano 'yan?" Excited kong sagot dito.

"Pumasa ako as exchange student diyan sa Australia." Masaya niyang sabi kung kaya't nanlaki ang mga mata ko.

"I-ibig mong sabihin m-makakapunta ka na rito?" Naiiyak akong sabi.

"Oo pars. Mahahawakan na ulit kita." Nakangiti niyang sabi sa video call.

"Nice one pars!"

"This is for you ParS, 'PARa Sayo'"

"Corny mo, boang!" At nagtawanan naman kami.

"Magsisimula na academic year dito kaya kailangan mo ng asikasuhin lahat ng papeles mo sa pagtransfer dito." Sambit ko. "Sayang, mauuna akong gumraduate sayo kasi magiging irregular student ka diba?"

"Ok lang 'yun. Ang importante makakasama na kita diyan." Sambit niya at may kung anong inabit sa likod niya. "Ayy nga pala, puntahan ko pa sila tita. Babalitaan ko na makakasunod na ko sa 'yo diyan."

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Excited na excited eh hahaha!

"Oh sabihan mo ko kapag nakakuha ka na ng ticket ah at yung visa mo." Paalala ko rito.

"Yes pars, PARa Sayo!"

"Htchng!"

"Ayy humatching, kinilig." Asar niya sa 'kin.

"Ayy hindi. Ka-corny mo nga eh."

"Yaan mo, pagkatungtong ko diyan sa lupa ng Australia, araw-araw ka ng aatching." Sabay tawa.

Apaka-corny pero napapangiti ako.

Buset, lakas ng tama ko kay Kier.

Isa sa mga hangad ko kung bakit ako pumuntang Australia ay upang lumayo kay Kier at makamove on. Pero mahal pa rin pala ako ng mundo.

Who would know na ang bestfriend ko'y maiin-love din pala sa akin Ngayo'y boyfriend ko na.

Karupukan ko nga naman, ayaw akong lubayan.

Sa kagustuhan ni Kier na sumunod sa akin ay nagtake siya ng exam sa isang school dito sa Australia para magong exchange student.

Hindi man kami magiging mag-schoolmate ay ayos lang daw, as long as makatapak siya ng Australia.

I'll be second year college this year at si Kier ay magsisimula ulit ng 1st year dito sa Australia. Hindi kasi make-credit yung subjects niya sa Pilipinas and kasama sa kontrata na babalik siyang first year dito sa Australia.

Walang mapagsidlan ang tuwa ko noong sinabi niyang mahal niya ako.

At first hindi ako naniwala dahil mas lamang ang takot sa akin. Takot na baka naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya para sa akin at ang totoo niya talagang mahal ay si Apple.

Mahigit siyam na buwan ang panliligaw sa akin ni Kier and last month lang ay sinagot ko siya.

"Nakapagbook na ko ng flight, pars. Next next week na ang alis ko." Bungad niya ulit sa akin pagkasagot ko ng tawag niya.

"I can't wait." Excited kong sambit sa kaniya habang nagpapatuyo ng buhok ko.

"Pagdating ko diyan, ikaw agad pupuntahan ko tapos dadalhin mo ko sa arcade diyan ah. Tingnan ko lang kung kaya mo pa rin akong talunin." Nagmamayabang niyang sambit.

Unsaid Feelings [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon