"Tulala ka na naman." Napabalik ako sa ulirat ko nang marinig ko ang boses ni Apple.
"H-ha?" Usal ko.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya at umupo na sa tabi ko. Nasa labas kami ng dorm ni Apple.
"Wala. Tara na?" Aya ko nalang kay Apple para ihatid siya sa school niya.
Mag-iisang buwan na rin simula nong umalis si Cy pero di pa rin siya tumatawag sa 'kin.
Naghintay akong tawagan niya ako sa app para kausapin since 'yun ang sabi niya pero di naman siya sumasagot sa call ko. Ni hindi ako sine-seen.
"Alam mo Kier..." napalingon naman ako nang magsalita bigla si Apple. "...pwede mo naman akong diretsuhin."
Nakatitig lang ako sa kaniya na may pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Na pagod ka ng sunduin at ihatid ako."
"Hindi, Apple. Ako ang may gusto nito diba?"
"Pwede ba ko humiling?"
Nagtatanong ko siyang tinitigan.
"Mamaya, sabihin ko sa 'yo. Goodbye." Saka niya ko hinalikan sa pisngi. Nasa school niya na pala kami.
Ngumiti naman ako rito at nagpaalam na rin.
"Gusto kong makipaghiwalay sayo." Nadurog ang puso ko nang marinig ko iyan sa bibig ni Apple.
"B-bakit?"
"H-hindi na tayo masaya sa i-isa't isa."
"No, Apple. Masaya naman ako a---"
"Let's give ourselves space. I'm giving you space, and I am also giving myself a space. We're starting to lose the spark." And with that, tumayo siya bigla para pumasok na sa dorm niya.
Sinubukan ko siyang tawagin dahil bawal akong pumasok sa dorm nila, pero di na siya bumalik.
"Isang beer pa nga po." Sambit ko sa tagabigay ng alak dito sa beerhouse na pinasukan ko.
"Ano ba 'yan, nawala na nga si Cy pati ba naman si Apple? Bakit ba nag-aalisan mga mahahalaga sa 'king babae?" Inabot ko naman ang beer at tinungga ito.
"Cy, sagutin mo naman tawag ko." Nagmamakaawa kong kausap sa cellphone kong pinapaloadan ko lagi para kapag tumawag si Cy ay may data ako.
'I chatted Cy for you. She'll call you.'
Napakunot naman ang noo ko sa tinext ni Apple sa akin.
Maya-maya pa'y tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag kahit di ko kilala kung sino.
"Kung si Cy ka man, umuwi ka na." Kausap ko sa taong nasa call. "Miss na kita. Alam mo ba? Mas nasasaktan ako sa 'di mo pagtawag sa akin ng halos isang buwan kaysa pakikipagbreak sa akin ni Apple. Sabi mo magvivideo call tayo sa app. Eh, hindi ka nga tumatawag eh."
"Kier..."
"Aba't kaboses mo nga si Cy. Ikaw ba yan pars?"
"O-oo."
"Oh bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo bang nagpapaload ako araw-araw para hintayin tawag mo?---"
"Sorry."
"Uwi ka muna bago kita mapapatawad."
"Lasing ka na nga."
"Hindi pwede."
