Iza's
"Gago kasi, nakakairita kamo." Napailing na lang ako sa kanila.
Kararating ko lang dito sa tambayan namin at talaga namang hindi ako makaintindi sa pinag-uusapan nila. Naririndi na nga ako sa ingay nila eh. Masaya sana kung pati ako sinasama nila sa kwento, diba?
"Oh, andito na pala si Iza na laging late." Nginisian ko lang siya para lalong mainis. Gamitan ba naman daw ako ng sarkasmo.
"I'm not late, maaga lang talaga ang labasan nyo."
Tumatawang tinapik ni August ang balikat ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Binawi naman niya agad iyon. Alam naman nila na ayaw kong may humahawak sa akin.
"So what happen to the guy you've set your eyes on?" Ngiting asong tanong ni June, kapatid ni August.
Ang weird lang dahil mula sa kalendaryo ang pinangalan sa kanila ng magulang nila. Pwede namang pagkain, diba? Nachos and Tacos. My, my, gutom na talaga ako. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakain ng lunch dahil sa nag-overtime nanaman si Ms. Juvy.
I sigh heavily. Pakiramdam ko isang buong araw ako hindi nakakain. Ngayon ko lang din naalala na isang araw nga akong hindi nakakain. Bukod sa tinamad akong kumain kagabi, nagmadali naman ako para pumasok kaninang umaga kaya hindi nakakain ng umagahan, isama pa ang pagskip ng lunch. You're so fucked up, Iza.
"Hoy." Nabalik lang ako sa realidad nang sikuhin ako ni Daniel. My forehead creased.
"Gutom ka ba?" Matamlay na tango ang isinagot ko bago ngumuso.
"I skipped my dinner and breakfast, yung lunch naman nag-overtime nanaman si Ms. Juvy."
Narinig ko ang pagtawa niya bago guluhin ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Inalis naman niya ang kamay niya roon.
"Gutom na ako punyeta." At walang paalam na umalis ako roon. Narinig ko pa ang apila nila pero hindi ko na sila pinansin. They know how crazy I can be whenever I'm hungry. Grr. I want a noodle soup.
Imbes na sa cafeteria ako pumunta ay sa isang fast food ako dumiretso na nasa loob lang din ng University.
Nang ibababa ko na sana ang bag ko sa table for two ay sakto rin ang pagbaba ng isang itim na backpack. Wow, pareho kaming itim. Noice.
Tamad na nilingon ko ang nagbaba ng bag. Yung crush ko lang pala. I bet he also likes noodles.
"Excuse me, Iza. Ako ang nauna rito."
Wow territorial, I like it. Syempre itinago ko ang kalandian ko. Hindi ako magpapatalo sa kanya kahit pa crush ko siya. Ganito pa namang puno na ang fast food at gutom ako.
"We can share naman ah." Nakita ko ang pag-irap niya. Gosh, ang cute! Pwede na maging baby ko.
I laughed with my thoughts. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Hindi ko talaga alam kung anong kinagagalit niya. Simula pa lang na kausapin ko siya galit na agad.
"Ayaw mo? Edi go. As if magpapatalo ako sayo. You know me, Vasquez, hindi ako nagpapatalo." I said bravely.
I could already hear the claps when he started to pick his bag. Pero nagkamali ako. Akala ko aalis siya, pero hindi pala. May kinuha lang siya sa bag niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano iyon. It's my fucking diary! Anyway, wala namana kong paki sa diary na 'yon. Dalawang page lang naman ang nasulatan ko dahil naboringan na ako sa pagsusulat ng araw-araw na pamumuhay ko.
Ngumisi siya pero sandali lang nang makita niyang nakangisi rin ako.
"You think you could scare me with that, babe? Well, think again." Nainis ko ata siya sa endearment na ginamit ko dahil sinamaan niya ulit ako ng tingin.
YOU ARE READING
Unwritten
Random"You'll never know why he's like that to you, and when you do, you'll going to regret it." Fighting for someone you love isn't new, this story isn't new. Same clichéd plots, cringey names, and old rusting lines. But there's one thing I'm sure that i...