Iza's
Hindi na ako nagsalita matapos ang usapan namin na iyon. Hanggang sa maihatid niya ako sa tapat ng building ay hindi siya nagsalita. Tanging maliit na boses lang ang ginamit ko sa pasalamat sa kanya at as usual, hindi naman niya ako pinansin.
Kinabukasan ay ayos na ulit ako. Maaga akong pumasok para i-check ang attendance. Ako kasi ang president sa klase. Though I didn't want that position, wala na rin akong nagawa kundi tanggapin ito dahil mismong adviser namin ang naglagay sa akin doon.
"Oh, tinanghali ka ata?" Umirap ako kay August. Sa kasamaang palad, classmate ko ang gago sa maraming subject dahil iisa lang naman kami ng course na kinuha.
"Putangina ba naman may away traffic nanaman doon sa crossing, hindi tuloy ako makasingit." Reklamo ko at pabalyang umupo sa silya ko.
Inilabas ko ang student list bago magcheck ng mga nasa loob na.
"Dapat talaga skateboard na lang ginamit ko eh. Kingina ba naman." Napailing ako. Ang bugok naman, tinawanan lang ako.
"Sige na, akin na yan, magpunta ka na sa babe mo." Umirap ako.
"May LQ kami."
"LQ ba talaga o tinotoyo ka lang?" I grimaced.
"Tinotoyo ampota, ano ako high schoold student?"
Nag-asaran pa kami bago ako muling nag-check.
"Nga pala, g ka ba sa sunday?" Napakunot ang noo ko.
"May gig tayo sa sunday, diba?"
"Sige, sige. Text mo na lang sakin location."
Dumaan ang umaga nang hindi ko namamalayan at nang tanghali ay pumunta ako sa fastfood. Hindi ko gusto sa cafeteria dahil alam kong makikita ko lang doon si Clover. Nagtatampo talaga ako at hindi ko alam kung bakit.
Mag-isa akong kumakain nang may umupo sa tapat ko. He immediately raised his brow when he saw me with frowning.
"Malungkot kumain mag-isa." Then he started to eat as if he don't mind being with me in a table.
Bigla kong naalala ang kahapon na ayaw niya akong makasama sa iisang table.
I just shrugged and continue eating. Natapos kami kumain nang walang nagsasalita.
Palabas na ako sa fastfood nang mapansin ko si Clover sa gilid ko na papalabas din. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.
Napakunot ang noo ko nang mapansing sinusundan pa rin niya ako. Hanggang sa tapat ng engineering department ay nakasunod siya sa akin na para bang may gustong sabihin pero hindi niya masabi.
Iritang hinarap ko siya. "Problema mo?"
Nagtigilan siya at bumuka ang bibig pero agad niya rin itong sinara. Pinipigilan niya ang sarili niyang may sabihin.
"Gago." Inis na turan ko at muling naglakad.
Nakasunod pa rin siya. Tangina, ano bang gusto nito, away o gulo?
Nagningning ang mga mata ko nang makita si Spade na hindi kasama si Ruby. Tumakbo ako palapit kay Spade.
"Nagawa mo na?" Kumunot ang noo nito sa akin.
Please, Spade! Maki-cooperate ka naman kahit minsan!
"Yung project?" Yes!
Tumango ako habang nakangiti. Ngiting nakahinga ng maluwag.
I mouthed 'wala na?' sa kanya. Mukha namang nakuha niya ang sinabi ko at tumango. I sighed in relief at napahawak pa sa balikat ni Spade. Pakiramdam ko isa akong exorcist na naubusan ng energy sa pagpapaalis ng masamang espirito.
"What's wrong? He looks upset about something." Puna niya sa kapatid.
"Putangina, manahimik ka nga." Inis na baling ko sa kanya.
He smirked. "LQ?"
"Tangina." Pareho kaming napabaling ni Spade sa nagmura. Si Ruby.
"Lah, patay ka." Natatawang panakot ko kay Spade. Sinamaan niya ako ng tingin kaya lumawak ang ngiti ko.
"Kakaayos lang namin kagabi tapos away nanaman ngayon. Tangina lang talaga!" Pagkausap niya sa sarili niya bago sundan si Ruby. Damn, tinamaan na rin siya ng pana ni kupido.
Noice, mag-isa nanaman ako. Napailing na lang ako at naglakad papunta kung saan. Ngumisi ako nang may maalala. Ano kayang reaksyon ni Clover kanina?
Nagring ang cellphone ko na siyang ikinakunot ng noo ko. Hindi naman kasi mahilig tumawag sa akin sila August.
Isang unregistered number ang sumalubong sa akin. Sinagot ko pa rin ito.
"Gonzales." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. My, my, bakit meron akong number sayo?
"Yes,Vasquez?" Hindi ko napigilang ngumiti.
"Let's meet at the library. The usual spot." Lalo akong napangiti. Miss na talaga ako, eh.
"Why? Pwede mo namang sabihin yung sasabihin mo over phone."
"Maibibigay ko ba ang gusto kong ibigay sayo over phone? Mag-isip ka nga." Napanguso ako.
Kahit kailan talaga mainitin ang ulo.
"Tsk." At ibinaba ko na ang tawag.
Ngumisi ako. Paniguradong maiinis siya dahil binabaan ko siya ng tawag.
"Hi Clover!" Kumaway pa ako.
Tumayo siya at hinila ako sa madilim na parte ng library. Bigla akong na-excite. Yung mga nabasa kong libro may ganitong pangyayari rin, yung hahalikan dito yung bidang babae kasi nagseselos yung lalaki.
Humarap siya sa akin.
"Talikod." Ma-awtoridad na utos niya.
Kahit naguguluhan ay sinunod ko ito. Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng mainit na bagay sa bewang ko. Nang tingnan ko kung ano iyon ay agad na kumunot ang noo ko.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap ako. Nakakunot pa rin ang noo ko nang humarap siya.
"Oh." Nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ang hawak niya. Nabuo na sa utak ko ang ibigsabihin ng jacket sa bewang ko.
"Putangina." Iyon na lang ang nasabi ko at dali-daling kinuha ang supot sa kamay niya bago tumakbo papunta sa parking.
Naiwan ko ang bag ko sa library pero wala na akong paki. Mabilis akong sumakay sa bike ko saka minaobra ito palabas ng University. Buti na lang at nagpapalabas ang mga guard dito tuwing lunch.
Hingal na hingal ako nang makapasok sa condo ko. Diretso ako sa banyo at nag-ayos. Kumalma lang ako nang matapos ko na ang pag-aayos. Nakakainis naman. Hindi ko naalala na araw ko nga pala ngayon. Nakakahiya!
Siguro kaya niya ako sinusundan kanina dahil sa tagos ko! Bwiset! Wtf ang bobo mo Iza! Ngayon hindi ko na alam kung may mukha pa akong ihaharap kay Clover. Paano na lang kung isipin niyang pabaya ako sa sarili ko?
Inis na ginulo ko ang buhok ko at muling sumakay sa bike ko. Wala sa daan ang utak ko kundi sa kung anong iniisip ni Clover tungkol sa akin ngayon. Baka ma-turn off siya, shit.
Lutang akong nakapasok sa University at nagparada ng bike ko. Iniisip ko pa lang ang mga posibleng reaksyon ni Clover, kinakabahan na agad ako.
"Gonzales." Ang malamig na boses na iyon ang nagpaurong ng dila ko. Gusto ko na lang magpakain sa lupa.
"H-hi Vasquez!" Awkward pa akong ngumiti. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko.
"Okay ka lang?" Nawala ang kaba ko at napalitan ng pagtataka.
"I mean, hindi ba nasakit puson mo?" Namumulang umiling ako. "Good."
Pinigilan ko siyang umalis nang tumalikod siya. Mahigpit ang hawak ko sa bag niya.
"A-ano, salamat," namula ang pisngi ko kaya tumungo ako. "Yung jacket mo lalabahan ko muna bago ko isauli." Iyon lang at tumakbo na ako palayo sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan.
YOU ARE READING
Unwritten
Rastgele"You'll never know why he's like that to you, and when you do, you'll going to regret it." Fighting for someone you love isn't new, this story isn't new. Same clichéd plots, cringey names, and old rusting lines. But there's one thing I'm sure that i...