Iza's
Kahapon lang namin napag-usap ni Ruby si Spade at ngayon naman ay nakangising nakatingin ako kay Ruby na kinukulit si Spade. Sinasabi ko na nga ba. Lapitin talaga ng mga babaeng makukulit ang mga Vasquez.
Napalingon ako sa lalaking dumaan na may pamilyar na amoy. Pinaghalong mint at matamis na amoy. It felt aromatic and sooth.
Sinundan ko siya nang makaupo sa usual seat niya sa library. He flashed his famous irritated face at me. Lagi na lang siyang ganyan kaya hindi na ako naninibago.
I smiled sweetly. "How's your morning, babe?"
Nagpigil ako ng tawa nang mas lalong nairita ang mukha niya. Ayaw niya talagang tinatawag ko siya ng endearment na iyon. Maybe he likes baby? Sugarlum? Honeypie? Pfft.
"Nasira na, nakita na kita eh."
"Well,that's flattering." Mas lalo siyang nainis at hinampas pa ang table. Napatingin tuloy sa amin ang mga katabing estudyante.
"Will you please get out of my sight?"
I faked a sad expression. "Bakit? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko?" I even pouted para lalo siyang mainis.
Kung kanina ay inis lang, ngayon ay masamang tingin na ang iginawad niya. He looks so cute with his eyebrows furrowed and lips pursed into thin line. I can't help but to adore him in so many weird ways.
"What the fuck do you want, huh? Lagi mo na lang akong iniinis. Nineteen ka na ba talaga?" I slightly nod. Uh-oh. Galit na nga siya.
"The why are you acting so childish? Daig mo pa yung mga bata sa kindergarten kung umasta. Would you please grow, Iza?"
I was so shock. Literal. Hindi na peke. Alam kong galit siya. But I didn't know that he could go overboard at ikukumpara pa ako sa mga batang paslit. Sinabi nanaman niyang wala akong utak indirectly.
Nanginig ang kamay ko at naikuyom ko sa galit. But I still flashed a sweet smile while my hands are under the table, clenching and un-clenching.
"I think your angry face was enough to brighten my day. Bye."
Mabigat ang puso ko nang lumabas ako sa library hanggang sa makapasok sa garden. Ang nananahimik na malaking puno ng mangga ang pinagbuntunan ko ng galit ko. Salitang kamao ko ang isinuntok ko sa mangga at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Maraming beses na ito nangyayari sa akin at magpasahanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Sino ba ang hindi masasaktan kapag ang lalaking mahal mo pinagsalitaan ka ng masasakit na salita? But I can't blame him because I know that in the first place, I'm the one who started this fire. And now I don't know what to do to ease it.
Pagod na umupo ako sa bench at kinuha ang flask ko. Kumikirot pa ang sugat sa kamao ko pero hinayaan ko lang ito pati ang dugong tumutulo sa itim na pantalon ko. Para akong nakipagbasag-ulo ngayon. Mahapdi rin ang mata kong galing sa iyak.
I don't know what's wrong with me. Masyado talaga akong sensitive kahit sa kaunting sigawan lang ako.
Nakatitig lang ako sa punong sinuntok ko nang may umupo sa tabi ko. Amoy pa lang nito kilalang kilala ko na.
"Still not accepting my offer?" Napairap agad ako. Lagi na lang iyan ang ibinubungad niya sa tuwing magkikita kami.
"Where's Ruby?" Pag-iiba ko ng topic.
"She left with another man."
Tumawa ako nang mahimigan ang inis sa boses niya.
"Why? What's wrong?" Pag-iintriga ko.
YOU ARE READING
Unwritten
Random"You'll never know why he's like that to you, and when you do, you'll going to regret it." Fighting for someone you love isn't new, this story isn't new. Same clichéd plots, cringey names, and old rusting lines. But there's one thing I'm sure that i...