Iza's
Maganda ang gising ko at kahit pa twenty minutes na lang ay mag-uumpisa na ang klase ay kalmado lang akong nag-ayos.
Sa sobrang kalmante ko ay hindi ko na napansin ang oras kaya napamura na lang ako nang makitang late na ako ng five minutes.
Maingat kong hinila ang bag ni Clover mula sa bag ko at dinampot ang skateboard ko. Skateboard na lang ang gagamitin ko para mabilis lang at makakasingit ako sa maraming tao.
Inayos ko ang nagulong nakalugay na buhok ko habang papalapit sa gate ng University.
Napapikit na lang ako ng mariin nang makitang sarado na ang gate at maraming estudyante sa labas na nagpupumilit na pumasok.
Natawa ako nang makita si August na prenteng nakasandal sa malaking gate. Nag ce-cellphone lang ito at walang paki sa ibang estudyante na ngayon ay frustrated na makapasok.
"Hoy August. Si Judea?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay ngumisi lang ito.
"Late ka rin? Sabi na nga ba." Mahanging sabi niya bago ipakita sa akin ang screen ng cellphone niya. Binasa ko ang message ni June sa kanya na nakapasok na nga si June at ang pagka-late ko.
"Tara." Yaya ko sa kanya. Mukhang nakuha niya ang nais kong iparating kaya sumabay siya sa paglalakad ko.
Naglakad kami papunta sa sikretong daanan namin ng tropa kapag late kami. Tahimik na sa parteng ito ng school at madamo kaya kampante ako na hindi na ito pinupuntahan ng mga guards. Mas tumaas ngayon ang mga damo at maraming nanglalaglag na dahon mula sa matataas na puno ng narra.
"Tangina ang kati naman."
"Tangina ang arte mo naman." Inis na sagot ko kay August. Nagkakamot na siya ng braso niya.
"Malayo pa ba?"
"Malapit na putangina ka."
Nagbubunyi at tumigil na sa pag-iinarte si August nang makarating kami sa bungad. Inaayos ko ang buhok nito kahit matangkad siya nang makarinig kami ng tikhim. Parang nakakita ng multo si August habang nakatingin sa likod ko at bigla na lang tumakbo. Parang alam ko na kung bakit.
Kalmado at nakangiti ako nang hinarap ko si Clover. Kasama niya ang dalawang student council na hindi ko kilala.
"You may now leave." Humakbang ako paalis sa harap niya pero nagsalita siyang muli.
"Hindi ikaw Gonzales." Kakamot-kamot sa ulo akong bumalik sa kinatatayuan ko. Tinanaw ko ang dalawang kasama niya na lumayo sa amin.
"Uh, hi?" Awkward pa akong tumawa habang nakataas ang kamay.
"What are you doing in here with de Guzman?" Napalunok ako nang wala sa oras dahil sa sa seryosong tingin niya.
"Secret lang 'to babe ha," lumapit ako sa kanya para bumulong. "Syempre hindi ko sasabihin sa iyo, kaya nga secret eh."
Bumungisngis ako at naglakad palayo sa kanya.
"Gonzales!" Tinawanan ko lang ang galit na sigaw niya.
Wala ang prof namin sa first sub, nagkasakit daw, iyong substitute prof naman, hindi pwedeng mag sub samin dahil may important matter daw. Jusko, sumuot pa kami ni August sa kung saan para makaabot sa first sub tapos wala rin naman pala.
Nag-uusap kaming tatlo ni August at Daniel nang may asungot na nang gulo. Napaisip tuloy ako, "bakit sobrang daming free time ng lalaking 'to?" Aren't law students takes too much of their time studying? Isa pa, student council president siya. Na-touch naman ako, ang dami niyang time para sa akin.
YOU ARE READING
Unwritten
Random"You'll never know why he's like that to you, and when you do, you'll going to regret it." Fighting for someone you love isn't new, this story isn't new. Same clichéd plots, cringey names, and old rusting lines. But there's one thing I'm sure that i...