Chapter 4

0 0 0
                                    

Iza's

"Good afternoon, Miss. Can I excuse Iza for a while?" Mula sa binabasang libro ay inangat ko ang paningin ko papunta kay Clover. Hindi ito nakangiti at ang focus ng tingin ay sa prof sa unahan.

Syempre, pinayagan agad ako ng prof dahil student council president na ang nagpaalam eh. Ganyan kalakas si Clover.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok sa office nila. Hinila niya ako papasok dahil nagdadalawang isip pa ako kung pwede ba akong pumasok.

Si Alex lang ang nakita ko sa loob bukod kay Clover. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya. Lalo akong hinila ni Clover papunta sa sariling office niya. Hindi naman ito ang unang beses kong makapasok dito pero namamangha pa rin ako sa ayos at istilo ng office niya.

"You left this." Sabay taas ng hindi kabigatang bag ko. Umangat ang kamay ko para kunin iyon pero itinaas niya iyon. Dahil matangkad siya ay hindi ko na iyon maabot.

My forehead creased.

"Anong problema mo?" Takang tanong ko.

"I also don't know." Prenteng saad niya.

Umirap ako. Sinubukan ko ulit abutin ang bag ko pero itinaas niya lang ulit iyon.

"May klase pa ako punyeta ka." Banas na bulyaw ko.

"Why are you cursing?" Manghang balik niya.

"Tangina ka Clover, yung bag ko!" Tumalon pa ako para kuhanin ang bag pero tumingkayad siya dahilan para dulo lang ng bag ang naabot ko. Ano 'yon, patikim lang? Ampucha.

"Do you know that I don't like girls who cuss?" Nakangising saad niya.

"Alam mo rin ba na wala akong paki sa standards mo? Kaya nga pinapakita ko sayo kung ano ako para magustuhan mo yung tunay na ako." Inis na lintaya ko.

"Hmm?" Para bang may gusto pa siyang marinig.

"Punyeta naman, oo! Diyos por santo mahabagin!" He chucked a bit pero hindi ko iyon pinansin dahil baka kapag pinansin ko pa iyon ay bumalik ang masamang trato niya.

"Clover." I seductively said as I come closer to him.

Kung hindi ko makukuha ang bag ko, bag mo ang kukunin ko. Gago!

"X²-1 if x is equal to 12." Kinuha ko ang pagkakataon na nag-iisip pa siya para kuhanin ang bag niya na nasa gilid lang niya.

Tumakbo ako ng mabilis nang makuha ang bag niya. Hindi naman iyon mabigat kaya madali lang akong nakatakbo. Maingat ko pang sinarado ang pinto ng office nila matapos ngitian si Alex at sumigaw si Clover. Nagtatakang tumingin lang ito sakin.

Para akong baliw na tumatawa habang tumatakbo. May mga nakasalubong pa ako at kagaya ni Alex ay nagtataka ang ekspresyon nila.

"Gonzales, where have you been?" Kunwaring nag-aalala pero may pilyong ngisi sa labi na tanong ni June nang makaupo ako sa tabi nito.

"Student council office." Mahanging saad ko.

Pabirong siniko ako nito habang nakangisi.

"Eh bakit naman bag ni Pres ang dala mo?" Usisa niya habang nakatingin sa bag na nasa hita ko.

Matapos ikwento sa kanya ang nangyari ay ngising ngisi ito.

"Mukhang lume-level-up ang lovelife mo ah, sana all." Mayabang na ngisi lang ang binigay ko sa kanya.

"Dapat kasi kulitin mo na rin si Devin." Suhestyon ko na agad niyang inilingan habang namumula ang pisngi.

"Alam mo naman ang ugali non, ayaw niya sa kinukulit siya, tapos secretive pa, ayaw nang may umeepal sa buhay nya." Nakangusong saad niya. Lungkot na lungkot ang bruha.

Unwritten Where stories live. Discover now