Breathe // 11

16 4 0
                                    

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hotel na binook ni Gwen. Sabi niya matagal na daw niya tong plano, I wonder what she's up to. 






 Pumasok ako sa loob dala ang mga gamit dahil nauna na si Gwen. Natanaw ko siya sa front desk at kinakausap ang isang staff doon. 






 Inilibot ko ang tingin sa paligid, nang makakita ng couch ay lumapit ako doon at nilapag ang mga bagahe namin. 






 Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at dinial ang number ni mama, wala pang ilang segundo ay sinagot agad niya ang tawag,  






"Ma, kakadating lang po namin sa hotel" I informed. 






 "Oh, for sure napagod ka, magpahinga muna kayo" she suggested. 






 "Yes po, pwede ring mag dinner muna kami, and after that tsaka kami matutulog" ani ko.






"Your choice, asan na nga pala ang future daughter-in-law ko?" mom giggled. 






 Mukhang close na nga sila ah, future daughter-in-law ba naman ang itawag kay Gwen. 






 I sighed before answering, "May kausap po na staff sa front desk". 






 "Oh, okay. By the way, nabanggit niya sakin na siya pala yung tinu tutor mo every weekends, how about this weekend?" she asked.


BreatheWhere stories live. Discover now