Breathe // 16

6 1 0
                                    

Nagising nalang ako ng maamoy ang niluluto ni Gwen sa kusina. Anong oras na ba? ang aga yata niyang magising.





Inayos ko muna ang sarili ko bagi magtungo sa kitchen. Doon ay nadatnan ko siyang nagluluto ng almusal.





"Hi Gab, morning" she greeted.





"Morning, anong oras ka nagising?" tanong ko.





"Around 8 siguro, bakit mo natanong?" tanong niya pabalik. 





"Wala naman ang aga mo lang nagising" kibit-balikat ko. 





Sinalin niya sa isang pinggan ang mga bacon na niluto niya bago magsalita, "Nag alarm lang ako para may time tayo makapag ayos ng gamit" sagot niya.





Hindi na ako umimik at inalok na lamang siyang kumain. 





Pagkatapos kumain napagdesisyunan namin na ayusin muna ang mga gamit namin bago maligo. Dahil isang bagpack lang naman ang dala ko kung kaya't mabilis akong natapos.





"Gwen, una na ako" turo ko sa bathroom. Lumingon siya saglit sa akin bago tumango at binalik din kaagad ang atensyon sa ginagawa. 





Naglakad ako patungo sa cr at nilapag ang towel, hinding hindi ko na ito makakalimuan ulit. Isang towel lang, masisira pati dignidad ko, talaga naman.





Saglit lamang ay natapos agad ako kaya naman sumunod na si Gwen at nag ayos. Wala pang alas ounce ng umaga ay lumabas na kami ng suite dala ang mga gamit namin. 





BreatheWhere stories live. Discover now