~You and me together~
~Through the days and nights~Nagising ako dahil sa lakas ng volume ng speaker. Napapikit ako ng mariin dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko, daig ko pa ang may hangover, wala naman akong matandaang nag-inom ako kagabi.
Ng umayos ang pakiramdam ko ay pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko nakita si Gwen, naunahan niya pa akong gumising. Malamang nasa labas yon o nasa kitchen.
Inayos ko ang couch na pinaghigaan ko kagabi bago tinahak ang daan patungong banyo. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at inalala ang mga mga nangyari.
Pagkatapos namin sa isang pelikula ay pinilit pa niya ko na manood ng isa pa. Hindi na ako nakatanggi dahil hindi siya titigil sa pangungulit sakin.
Tinignan ko ang buong kwarto, ang daming pakete ng chips ang nagkalat sa sahig, maging ang mga unan. Kanina pa siya kain na kain, hindi ata mauubusan ng space ang bituka ng babaeng 'to e. Sa tuwing pipigilan ko siya kumain, sasabihin niya na ngayon lang naman at hindi na mauulit. Kapag 'to nagka U.T.I., hindi na talaga siya makakaulit.
Lumabas sa screen ang mga pangalan ng cast, tanda na tapos na ang movie. Napahikab ako dahil sa antok, pangatlo na namin 'tong movie na natapos, tumingin ako sa kalapit ko at bumungad sakin ang mukha niyang mahimbing na natutulog.
"Ang bait mo kapag tulog" tugon ko habang pinagmamasdan siya.
Ang lakas ng loob magyaya, bagsak naman agad. Napabuntong hininga ako bago siya buhatin, nakakapagtaka na magaan lang siya, sa dami niyang kumain?
YOU ARE READING
Breathe
Teen FictionIn a world full of chaos, you just need a break. What you need, is to breathe.