After having brunch, we decided to roam around the hotel. Nag-aya pa siyang mag swimming, hindi nalang ako nag protesta tutal idea naman niya 'to.
"There, Gab! Maganda ang view, dun mo naman ako kuhaan" turo ni Gwen sa poolside.
Mahihiya ang model sa dami ng pictures niya. We're taking photos for an hour now. Pakiramdam ko tuloy kaya niya ako sinama dito para may photographer siya.
"Nakapag picture ka na dyan, ang dami dami na" reklamo ko.
"Ha? Patingin nga" she walked towards my direction, at inagaw ang hawak kong camera.
She pouted after seeing her pictures at the pool. Tsaka siya tumingala sakin, "Tara swimming" pag-aaya niya.
"Dito lang ako sa mga bench, susunod ako" I answered before walking towards one of the benches.
Nang makaupo ay tumingin ako sa kinaroroonan niya, nakatayo lang siya at nakatitig sa pool. Problema nun?
"Gwen!" I called her, by her name. Just like what she said earlier, it kinda feels weird.
Sa pangalawang tawag ko, tsaka lang siya lumingon sa akin. She raised her brow, "Yes?" she asked.
"Mag swimming ka na, if you want, mamayang gabi nalang. Nagtanong ako kanina sa chamber maid, pwede naman daw" I explained.
YOU ARE READING
Breathe
Teen FictionIn a world full of chaos, you just need a break. What you need, is to breathe.