"What the?! Why are we going to Tagaytay?" I exclaimed.
"Weekends naman, isabay na natin yung out of town sa pag t-tutor" excited na sabi niya.
Wala naman akong gagawin na school works, kaya lang biglaan talaga. "So babalik din tayo bukas?" paglilinaw ko.
"No. Sunday na balik natin, para sulit" bibo niyang sagot.
Anak ng tokwa, hindi man lang ako na inform ah.
Napansin niya sigurong tulala ako sa pag i-isip kaya't hinawakan niya ang kamay ko at naglakad palabas ng coffee shop, hindi na ako nag protesta at sumunod na lang.
"Ano ka ba, wag kang mag-alala, pinagpaalam na nga kita kay mama" wow ganun na sila ka close para mama ang itawag sa nanay ko?
"Ni wala nga tayong dalang damit" reklamo ko.
"Duh! syempre nagdala na ko, si auntie ang nag ayos, wag kang mag-alala kumpleto yon pati undergarments" nanlaki ang mata ko sa narinig. "Nasa apartment ko na, dadaanan na lang bago umalis, kaya wag ka ng tumunganga dyan, tara na!" hinampas niya ang balikat ko tsaka tinuro ang sasakyan kong nakaparada.
Pinanliitan ko muna siya ng mata, grabe mag plano a, walang pasa pasabi.
"And lastly, wag ka ngang makatingin ng ganyan, hindi naman tayo mag gagapangan mamayang gabi" mahinang tawa niya.
YOU ARE READING
Breathe
Novela JuvenilIn a world full of chaos, you just need a break. What you need, is to breathe.