Chapter 10

62 5 0
                                    


(Short Update)


"Baro, sigurado kang makakatulog ka d'yan?" tanong ko mula sa may back seat. Dito niya kasi ko pinahiga dahil kasyang kasya raw ako. Siya, lumipat do'n sa may pwesto ko kanina. In-adjust lang niya ang upuan paatras para maluwag. Naka-ulo ako sa may driver seat at ang paanan ko ang nasa likuran ng upuan nito. Lumipat siya nang upuan kasi mahirap na raw matulog sa may driver seat, baka aksidente niyang mapindot ang gas o kung ano man.


"I'm fine. Tulog na," sagot nito nang hindi ako tinitignan. Nakapikit lang ang mga mata nito habang binabalot ang sarili niya sa jacket niya.


Hindi ko mapigilang 'di makonsensya sa ayos niya ngayon. Dapat dito siya nakahiga kung hindi niya ko nakita kanina. Tapos itong blanket na gamit ko, sa kanya rin 'to pero binigay niya sa'kin para gamitin ko. Ang gamit-gamit niya ngayon 'yong dalawang makapal na jacket. Isang suot niya at isang nakumot sa may binti niya. Nakakagulat nga ang trunk nito, 'e. Ang daming lamang gamit niya. Pati kasi malit na throw pillow, mayroon din.


Gustuhin ko mang makipagtalo pa kay Baro tungkol sa pwesto namin, hindi ko na ginawa. Hindi ko alam kung nakapikit lang siya o talagang tulog na, pero mas magandang h'wag ko na siyang abalahin pa. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sinubukang matulog. Iyon nga lang, dahil nakatulog ako kanina bago kami kumain, hindi ako makatulog tulog ngayon. Ni hindi ako inaantok.


Muli kong iminulat ang mga mata ko, bigla kong naiatras ang ulo ko at tumama 'to sa sandalan nang kinahihigaan ko.


"You okay?"


"Hindi," sagot ko kay Baro habang napipikit pikit. Pagdilat ko kasi ang titig na titig niyang mga mata ang sumalubong sa'kin. Akala ko tulog na 'to kaya sobrang nagulat ako.


"Can't sleep?"


"Oo," hindi ako makatulog kanina pero parang ngayon makakatulog na ko sa hilo.


"Why do you want to be a teacher?" napatitig ako rito dahil sa out of the blue niyang tanong. Wala na sa'kin ang mga mata nito.


"Childhood dream." Simula bata ako, puro teacher-teacher-an ang nilalaro ko, 'e.


"Why Pre-school? Mahilig ka ba sa mga bata?"


Bago ko sinagot ang tanong nito, bahagya akong umayos nang pagkakahiga. Tuluyan ko nang tinagilid ang sarili ko para mas lalo ko siyang maharap kahit na hindi 'to nakatingin sa'kin.


"SPEd talaga ang gusto kong major. Ang kaso, no'ng time na pumasok ako sa SMU, iyon 'yong year na hininto nila ang pag-offer sa SPEd as a major. In-advise sa'kin no'ng nag-interview sa'kin sa SMU na mag-preschool na lang daw ako kasi iyon ang closest sa gusto kong major."


"Hindi ka nag-try sa ibang school?"


"No'ng nalaman ko 'yon tapos na ang application period ng ibang universities."


"Hindi ka nag-try mag-transfer the next sem?"


Girl Version of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon