Chapter 15

12 4 1
                                    

The Girl Version of a Torpe - Chapter 15

"Mag-isa ka lang?" napansin kong tumingin 'to sa likuran ko para kumpirmahin kung mag-isa lang ba ako.

"Ah, kasama ko mga kaibigan ko," sagot ko rito. Nabalik ang tingin nito sa'kin pagkasabi ko no'n.

"Mga kaibigan mo?" tumango ako rito. Para bang saglit 'tong nag-isip bago nagsalita ulit. "Iyong batang Velasco?"

"Ha?" Nagtatakang tinitigan ko 'to. Batang Velasco? Velasco? Ah! 

Napaawang bigla ang bibig ko nang mapagtanto ko kung sino tinutukoy niya, "Si Lhia!"

"Ah, oo, 'yon nga. Magkakaiba kayo ng tawag 'di ko matandaan pangalan." Bigla kong naalaal na ang tawag nga pala nila kuya Jarvis kay Lhia ay Lana.

"Ah..." may halong maiksing tawang sagot ko na lang dito. "Ikaw? Mag-isa ka lang? Kasama mo ba 'yong..." bigla akong napatigil sa pagsasalita. Okay lang ba na itanong kung kasama niya 'yong asawa niya?

Bigla ko lang naisip, parang never pa naming napag-usapan 'yong asawa niya. Wala rin akong maalalang binaggit niya noon. Baka magtaka 'to bigla na alam kong may asawa na siya pero secret ba 'yon? 

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano nang bigla nitong dinugtungan 'yong nabitin kong tanong. "Iyong kapatid ko? Si Yam?" 

Imbes na itama siya tumango na lang ako. Ngayon nabanggit niya si Yam bigla akong na-curious kung kasama nga ba niya. Para kasi silang package deal. Madalas magkasama.

Bago pa man magsalita ulit si Baro, may panibagong boses na namang nagsalita mula sa likuran nito. Sabay kaming napatingin sa bagong dating. "Hanap niyo ko? Miss niyo naman ako agad?" Nakangiting sabi ni Yam.

"Hi, Shei! Bakit ka nandito?" direktang tanong nito sa'kin nang tuluyan na siyang makalapit sa'min ni Baro.

"Nagre-relax lang kami ng mga kaibigan ko," nakangiting sagot ko rito.

"Ah! Kasama si Lana?" 

Bahagya akong napakunot noo sa tawag ni kay Lhia. "Lana rin tawag mo sa kanya?"

Kumunot rin ang noo nito sa tanong, "Bakit? Lana naman pangalan niya 'di ba? 'Yon lagi tawag sa kanya nila Jarvis." Napatingin pa 'to kay Baro na para bang kinukumpira kung tama ang tanda niya. Tinanguan na lang siya nito kahit na sabi niya kanina hindi niya matandaan pangalan ni Lhia!

"Ah, tama naman. Lana Iya pangalan niya. Pero nasanay lang kasi ko na sila kuya Jarvis lang tumatawag sa kanya na Lana," pagpapaliwanag ko rito. "Ah! Pati pala si Sir Czam tinatawag din siyang Lana. Si Sir Van may bukod na tawag." Pahabol na sabi ko nang bigla kong maalala.

"Si Van?" nagkatinginan ang magkapatid. Bigla na lang napa-ngisi si Yam. "Heh..."

"Ang creepy mo," hindi ko napigilang sabi nang makita ko ang mukha ni Yam.

"Grabe ka sa'kin," natatawang sagot naman nito. "Pero ano ba talaga tawag niyo sa kanya?" biglang balik nito sa pinag-uusapan namin.

"Lhia." 

"Oh. Mas maganda Lana."

"Pareho lang naman na maganda," sagot ko rito.

Sasagot pa sana ulit si Yam pero pinutol na siya ni Baro. "Saan ka ba pupunta? Bakit 'di mo sila kasama?"

"Ay!" biglang reaksyon ko nang maalala ko kung bakit nga ba ko lumabas sa kinakainan namin kanina. "Mag-babanyo nga pala ko. Diyan muna kayo." Hindi ko inantay pa silang makasagot at mabilis na ko naglakad papuntang banyo. Bakit naman bigla kong nakalimutan pakay ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl Version of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon