Fourth Year – Second Semester
Hindi ko napigilang ipaypay ang hawak kong malaking envelope na may laman ng x-ray result ko, sagad sa buto ang init! Hindi mo aakalaing Ber month na.
Nang makababa ako sa jeep na sinakyan ko, ginawa kong pang-silong 'yong hawak ko para maprotektahan ako sa sikat ng araw. Nagpunta ako ngayon sa SMU para ipasa 'yong mga medical results ko, required kasi ang lahat ng 4th year na magpa-medical sa simula ng second sem. Isa ito sa mga requirements bago kami sumabak sa internship. Hindi katulad no'ng medical namin no'ng first year na lahat ay sa SMU ginawa, ito, kanya-kanya kaming pa-medical sa labas. Resulta na lang mismo ang ipapasa namin sa may clinic. Kapag clear result, at saka lang kami bibigyan ng clearance.
Pakiramdam ko, kalahating oras ako naglakad mula sa may terminal—kung saan ako bumaba—papasok sa SMU. Sanay naman ako sa biyahe pero sobrang hirap no'ng ngayon. Dahil siguro katanghaliang tapat ako dumating?
Hindi ko na talaga kaya 'yong hingal at pagod kaya nang madaan ako sa Athena—College of Education building—agad akong naupo sa isa sa mga sementong upuan sa labas mismo nito. Ilang linggo rin bago ako nakabalik dito sa building namin dahil sa sem-break.
Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamuna at mga labi ko. Tinignan ko ang oras sa suot kong orasan, dahil tanghalian na baka nagla-lunch na 'yong mga taga-clinic. Maganda sigurong magpahinga muna ko bago ko pumunta do'n.
Tumayo ako at pumunta sa kalapit na bilihin dito sa building namin. Bumili lang ako nang maiinom at sandwich. Pabalik na ko sa inuupuan ko kanina nang may tumawag sa'kin.
"Shei?"
Hinanap ko ang pinanggalingan no'ng boses. Kung hindi pa itinaas ni Sir Czam ang isa niyang kamay at kumaway habang naglalakad papalapit, hindi ko pa siya makikita. Ang hirap kapag hindi naka salamin! Ni hindi ako naka-contact lens ngayon.
"Sir, good afternoon po," bungad na bati ko rito.
"Hi," bati nito pabalik nang makalapit na ito at nakatayo sa harapan ko. "Kumusta? Bakit ikaw lang?"
"Okay naman, Sir. Ah, magpapasa lang po kasi ako ng medical results ko. Nauna na po sila Lhia sa'kin kaya ako lang mag-isa ngayon."
"Oh. Wait, iyan na ba ang lunch mo?" biglang nagbaba ang tingin nito sa hawak kong pagkain at inumin.
"Ah...medyo?" alanganing sagot ko rito. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko naman kasi masabing ito na ang lunch ko, pantawid gutom ko lang naman talaga kasi.
"Come with me. May free lunch na binigay sa'min, kainin mo na lang 'yon."
"Hindi na po, Sir. Sa inyo po binigay 'yon," mabilis na tanggi ko rito habang umiiling.
"It's fine, hindi naman namin makakain. Sayang lang, baka mapanis. Let's go," hindi na ko maka-angal pa nang marahan niya kong tinulak para maglakad. Sabi ko nga, may free lunch na ko.
BINABASA MO ANG
Girl Version of a Torpe
Roman d'amourSeries #2 Sheila Ly Koleens is the NBSB of the group. Though she lacks 'relationship experiences', her heart is full of 'crushes'! She is a hopeless romantic and will turn a man's simple gesture into a big deal as if the other party has feelings for...