Chapter 13

51 4 5
                                    


Girl Version of a Torpe – Chapter 13


"Shei," hinanap ko 'yong pinanggalingan ng boses na tumawag sa'kin. Napangiti ako nang makita ko si Jade.


Kinawayan ko 'to at inantay kong makalapit sa kung nasaan ako. Provincial holiday ngayon kaya naman walang pasok. At dahil walang pasok, napagkasunduan naming magkakaibigan na magkita-kita. Huling beses kaming nagkakitaan no'ng Christmas party pa.


Malakas ang loob ng mga 'to na makipagkita kasi mga tapos na sila mag-final demo. Ako na lang ang natitira. No'ng una, ayaw nilang pumayag, after demo ko na lang daw. Kaso kalian pa 'yon? Next month pa. Gustong gusto ko na mag-de-stressing. Deserve ko naman—namin—ng break lalo na't tapos na rin naman ako sa preparation ko for final demo.


"Si Anne at Lhia? Wala pa ba?" tanong ni Jade nang makalapit sa'kin. Palinga-linga pa 'to para hanapin 'yong dalawa.


"Si Lhia bumili muna ng tubig, nauuhaw daw siya. Si Anne, nag-banyo. Nagpaiwan na ko rito para may sasalubong sa'yo."


"Ay, ako na lang pala inaantay."


"Oo, maaga ako ngayon," isang malaking ngiti ang ipinakita ko rito. Ako kasi ang madalas na late sa'min pero ito at maaga ako ngayon.


"Epekto ba 'yan ng pagiging student-teacher?" natatawang tanong ni Jade sa'kin.


"Hindi, epekto ni Baro."


"Baro? Iyong kaibigan nila Sir?" bahagyang nakakunot ang noo ni Jade nang para bang inaalala pa niya kung tama ba 'yong pagkakatanda niya.


"Oo, 'yon nga."


"Ano'ng kinalaman niya?"


"Madalas kasi nasasabay ako sa kanya sa pag-pasok o kaya sa pag-uwi."


Lalong lumalim ang pagkakakunot noo ni Jade. "Ha? Hindi ko gets? Paano? I mean...ha?" halatang naguguluhan 'to sa sinabi ko.


Sa tagal naming hindi nagkikita kita para makapag-bonding, ito at hindi na kami updated sa buhay ng isa't isa.


"Kwento ko mamaya kapag dumating na 'yong dalawa," sabi ko na lang rito. Mas okay nang antayin 'yong dalawa para isang kwentuhan na lang din.


Ilang minuto pa ang lumipas bago nakabalik 'yong dalawa. Pagkabalik nila, agad kaming nagpunta sa may kainan kasi ano'ng oras na rin, pa-lunch na.


"So, ano na?" napatingin ako kay Lhia nang magsalita 'to. Kakatapos lang naming ibigay 'yong order namin do'n sa waiter dito.


"Ano'ng ano na?" tanong pabalik ni Jade rito.


"I mean, ano nang balita sa inyo? Hep!" mabilis itinaas ni Lhia ang kanang kamay nito na para bang pinipigilan kami. "Please lang, no school related chika, ha? We need a break."

Girl Version of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon