Consistent
"Neverline, please answer the problem, on the board," umangat ang ulo ko sa matinis na tinig ng aking guro.
Halos lahat ng kaklase ko ang nakatitig sakin ng hindi ako tumayo sa upuan. Hindi ko naman kasi narinig kung ano ang sinabi ni Ma'am basta ko lang narinig ang pangalan ko.
"Ms. Neverline? Are you okay? You seem out of us," tumango ako sa tanong na yon.
Inutusan niya akong sagutin ang math problem sa harap na mabilis ko namang sinunod. Nangapa pa ako noong una pero nasagutan ko naman. Nga lang, tinuro niya sakin ang formula.
Bumalik na ako sa upuan matapos sagutan. Nadaanan ko pa ang isa sa mga kaklase ko na binati ako.
"Ang galing mo, Neverline. Hindi ka naman nakikinig pero may sagot ka," aniya na sumimangot pa. Tipid akong ngumiti saka dumaretso sa upuan.
Nag advance learning na kasi ako, siyempre ikaw ba naman ang maiwan magisa sa bahay, siyempre maghahanap ka ng pagkakalibangan. And for me, I don't have friends to make my time busy. Ni ang tumambay sa labas ay di ko magawa, maliban na lang ang magpalipas ng oras sa cliff.
Binabagabag ako ng sinabi ni Mark noong isang araw. How can he say those words? Alam ko naman na biro lang ang lahat pero di ko mapigilan na maapektuhan.
He'll stay? And never leave me? Huh!
Bakit sino ba sya? Hindi naman kami magkakilala, as far as I know. We just met, what? Two? Three times? We're not friends.
Matapos ang pang umagang klase ay dumaretso ako sa labas ng building. Kadalasan kapag lunch time ay sa playground ako namamalagi, typical type of a transferee. Walang kaibigan. Walang tambayan. I laughed at myself.
May baon naman akong kanin at ulam. Hindi ako hinahayan ni Nanay Niña na magutom. And I prefer it that way, at least matitipid ko ang pera ko. I'm planning to buy some art materials, paubos na kasi ang mga gamit ko sa bahay.
I sat on the near bench, malimlim naman dito kaya keri lang ang init. Likod rin ito ng building kaya naman napaka presko ng hangin. Ibinaba ko ang bag sa damuhan saka kinuha ang baunan. Dapat pala iniwan ko na lang ang bag sa classroom, baka madumihan pa, light green pa namn ang kulay.
Neverminding my bag, I started eating. For the past years na wala si Dad, natigil na rin ako sa kakaantay na babalik siya. I guess he already forgot that he has a daughter. Sa tagal niyang di umuuwi, wala akong balita. Kahit na kung saan man lang siya umuuwi. But as far as I know, nasa ibang bansa siya.
Siguro hindi pa rin siya maka move on kay Mommy? Or he's giving himself a chance to meet and marry again. Hindi naman ako tutol don. I'll support him, basta kung saan siya masaya. Basta ba hindi niya makalimutan na may anak pa siya.
I bitterly finish my food. Habang tumatagal mas lalong dumadami ang mga naiisip ko. Wala naman akong mapagbalingan ng mga lungkot ko. As I said, I don't have friends. Even when I was on my previous school. Hindi talaga ako palakaibigan. Siguro nga nasa akin ang problema.
Mabilis kong tinapos ang pagkain. Wala pala akong dalang tubig, kaya dali dali akong bumalik at pumasok sa canteen. Bumili ako ng bottled water saka mabilis itong ininom. Muntik na ako mamatay!
"Hi, Miss." naibuga ko ang iniinom ng biglang may nagsalita sa likod ko. Lumabas pa ang ilan sa ilong ko.
"Yuck," tumawa siya saka diring diri na tumingin sakin. Sinamaan ko siya ng tingin saka suminga sa kamay ko at aktong ipapahid yon sa kaniya. Mabilis siya umilag sakin. Natawa ako sa reaksyon niya. Arte.

BINABASA MO ANG
On The Other Side (Side Series 1)
RomansaFor those romance that is opposed by family, friends, or society, as their the relationship may defy cultural, religious, or social norms.