chapter 14

4.8K 182 1
                                    

Third persons POV*

Sa isang masikip at madilim na eskinita ay natagpuan ng dalaga ang halos benteng mga kalalakihan at basi sa mga mukha ng mga ito ay nasa 20 ang mga edad ng mga ito at sa kabilang banda naman ay mayroong anim na  mga kabataan na 15 o 16 ang edad at ngayon ay nagrarambol at nag sasakitan kaya  naisip ng dalga na manood na lang muna dahil narin sa napagod ito sa kakahintay ng sasakyan na maaari syang pasakayin ngunit ngi isang sasakyan ay walang tumigil at nag pasakay sa kanya at sa halip na ipagpatuloy ang paglalakad ay umupo muna ito sa isang malaking bato at doon nagtago upang manood sa mga nangyayari

"Hay mga duwag nga naman pati mga bata pinag iinitan  " bulong nya nang makita nya kung ano ang nangyayari
Sa mga kabataan dahil lamang sa kanila ang mga kalaban

May nag tataponan ng kung ano ano

May nag babatuhan ng mga matitigas na bagay

May nag susuntokan

Naghahampasan

Nagmumurahan

Nag sisipaan

Nag babalian

Meron ring sumisigaw dahil sa sakit na natamo at halos Hindi mo na maintindihan ang itsura ng iskinita dahil marami nang sira at dugo ang nag kalat sa ding ding at sahig pati ang mga basura dito ay nag kalat sa ibat ibang lugar ng eskinita kaya napa ngiwi nalang ang dalaga sa nasaksihang pangyayari ng baliin ng isang lalaki ang braso ng isa pang binata kaya napahiyaw ito sa sakit at napaluhod nalang sa sobrang sakit na nararamdaman at yung iba naman ay pinag papalo sa likod ng baseball bat kaya tumba lahat ang mga binata at nanatiling nakatayo ang benteng mga lalaki kaya napailing iling nalang ang dalaga na kanina pa nag mamatyag sa gilid

Kawawang mga bata-isip isip ng dalaga

"Ano kayo ngayon ha ,hahaha nasaan na yung mga pinag mamalaki nyo  " wika ng isang lalaki at itinaas ang ulo ng binatilyo ganon din ang ginawa nila sa Lima pa pero dinuraan lang aya nito sa mukha kaya nang init ang ulo ng lalaki at malakas na sinapak yung binatilyo

Pak*

"Bastos ka talagang bata ka ,yan yung bagay sa yo!" Inis na wika ng lalaki at sinapak ulit yung mukha ng binatilyo kaya Hindi na nakapagpigil ang dalaga at agad itong lumabas at dahil nasa mga binatilyo naman nakatutuk ang mga atensyon ng mga lalaki ay dali syang nakalapit sa mga ito at mabilis na hinawakan ang kamay ng lalaking sasapak sa binata

"Sino ka naman " inis na wika ng lalaki at sinubukang ituloy ang pagsapak sa binata na ngayon ay tulalang naka tingin sa dalagang nag lakas loob na tulungan silang anim kaya nag papasalamat ang binatilyo sa kanyang isip dahil may dumating na tulong sa kanilang mag kakaibigan

"Hwag kang maki alam !" Inis na wika ng lalaki  pero mas lalong hinigpitan ng dalaga ang pag kakahawak nya dito at Hindi pa ito na kuntento at malakas na kinumo pa lalo ng dalaga ang kamay nang lalaki kaya malakas itong napahiyaw at napatayo ng hilain ng dalaga patayo ang lalaki gamit ang isang kamay lang na nakahawak ngayon sa kamao ng lalaki

"Putang ina ,tutunganga lang ba kayo dyan !" Sigaw ng lalaki sa mga kasamahan nyang kanina pa naka tunganga sa mga nangyayari

"Aray bitiwan mo ako !!" Sigaw ng lalaki sa dalaga ngunit Hindi parin sya nito binibitiwan at sa halip ay nilakasan at hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay lang lalaki na ngayon ay nagiging kulay ube na dahil sa higpit ng pgkakahawak ng babae

"H-hoy t-tulu-ngan nyo a-ako ahh!!!" Sigaw nya dahil sa higpit ng pagkakahawk sa kanya at gagalaw na sana ang mga kasamahan ng lalaki sa likod ng biglang seryosong nag salita ang dalaga at halos manindig na ang buong sistema ng mga nakakarinig ng boses nya

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon