Efren Juve Dominguez above media⬆⬆⬆⬆Efren POV*
Halos patas ang puntos ng dalawang naglalaro ngayon sa court at halatang nag kakainitan na at sobra ang inis sa pagitan ng dalawa dahil halos mag tapakan at magkabunggoan na sila kaya kung minsan ay na fa foul si king dahil halatang sya ang nauuna dahil mas nauuna syang sumugod kesa kay Ashton na pinapatolan lang si king pero tutuk parin sa laban
98-king
97-ashton
Halos nag hahabolan na ang mga puntos nila at malapit ng matapos ang huling round at halos dalawang oras na kaming nanonood sa sunod sunod nilang shoot ng bola
Kasalukyang nasa kamay ni ashton ang bola at dinidriball ito kaya hinarangan sya ni king sa harap at parang nag papatintero lang ang dalawa dahil kapag kukunin na ni king ang bola ay sya ring pag driball ni Ashton sa likod nya at ilulusot nya nanaman sa gitna ng mga binti nya kaya halos Hindi ito maagaw ni king at nang makakita ng lulusutan si yamura ay agad itong tumakbo habang dinidriball ang bola at agad na tumalon sa three points shoot
98-king
100-ashton
"Nananadya kaba !" Inis na wika ni king ng mapatid sya sa paa ni Ashton ng tatakbo ito kaya napasalampak si king sa sahig at agad na tumayo at angas na nilapitan si Ashton na natigil rin sa pag lalaro at seryosong nakatingin kay king na agad syang sinapak pagkalapit na pagkalapit palang nito sakanya kaya napatayo kaming lahat pati ang grupo ni Ashton at agad silang pinigilan dahil mukhang galit narin si Ashton
"Priiiiiittttttt!!!!" Pito ng referie at pinaghiwalay ang bawat grupo habang ang dalawang lider ay inis na nagkakatinginan
"Alam nyo bang dalawang minuto nalang ang natitirang oras ,ano itutuloy nyo pa na ang laro o uunahin nyo ----shut up/tumahimik ka!!" Sigaw ng dalawa sa referie na agad namang tumahimik at muling nag sibalik ang lahat sa kanya kanyang upuan
"Priiittt!!!!" Pito ng referie at itinapon ang bola pa taas na agad namang pinag agawan ng dalawa at ngayon at si king na ang may hawak at agad na dinriball at iniwas iwasan si Ashton na hinaharangan sya sa pag shoot ng bola kaya agad na tumalon si king para sa 3 points shoot pero naharang ito ni Ashton dahilan upang hindi ito mg shoot dahil nahawi ito ni Ashton kaya inis ngayon at siguradong inis na inis na si king sa pagmumukha ni yamura na ngising nakatingin kay king
"Prrriiiitttt!!!!" Pito ulit ng referie at tinapon ang bola sa taas na nakuha ulit ni king at sa pagkakataong ito ay nag score sya ng 3 points dahilan upang maging patas ang puntos ng dalawang nag aagawan ng bola
"Grabe ang galing pala ng dalawang yang mag basketball eh" manghang wika ko nalang habang nanonood parin sa dalawang nag aagawan ng bola
"Sino kaya nag turo sa dalawang yan ,at makapag paturo rin ako " wika ko pa sa tabi Kong si raimond
"Si Ashton ang nag turo dyan " simpleng wika nya dahilan upang gulat akong mapatingin sakanya
"Wehhh ...di nga ,galit kaya yan sa isat isa"di makapaniwala Kong wika
" TSS..bahala ka nga Kong ayaw mong maniwala "wika nya at itinuon ang tingin sa court kaya napaisip ako sa sinabi nya
Kung si yamura ang nagturo kay king sa basketball ,ibig sabihin close sila dati -taka Kong wika at pinalit palit pa ang tingin ko sa dalawa
Teka !bakit magkamukha yata sila ?-wika ko sa utak ko at kinuskos pa ang mata ko at binalik ang tingin sa dalawang nag lalaro na magkahawig ang mukha kaya kinalabit ko itong isa Kong katabi dahil walang kwentang kausap si Raimondo eh
BINABASA MO ANG
THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKER
ActionIto ay kwento ng isang dalaga na naninirahan sa isang probinsya ,sya ay mahilig sa away at mandalas masangkot sa gulo kaya naman ,napagdesesyunan ng tatay nya na ipadala sya sa maynila upang mailayo sya sa gulo at saka para matigil narin sa pagkaka...