-----kinabukasan-----Zenrie POV*
Maaga akong nagising dahil ngayon ang byahe ko papuntang maynila at ngayong araw din ay dadagdagan ko ang araw ng bakasyon nila simon sa ospital ,lintek lang ang walang ganti noh-napakasumbungero kasi eh kaya mabilis akong umalis ng bahay para hindi ako mahuli nila papa at dali daling pumara ng traysikel
"Kuya para po" ako at huminto naman si kuya
"San ka miss?" Tanong nya
"Villaruel hospital kuya" sagot ko
Nandito na ako ngayon sa tapat ng villaruel hospital at sigurado akong hindi ako makakapasok dito dahil sobrang dami ng bantay sa labas ng ospital
Napansin kong may lumapit na lalaki na sigurado akong tauhan ni simon saka lumapit ito sa isang bantay
"Pre diba kilala mo naman yung babaeng nang bogbog kala boss" wika ng lalaki1
"Oo bakit?" tanong ni lalaki 2
"Sabi ni boss ,pag nakita mo daw dito sa ospital wag mong papasukin kong magpumilit na pumasok hulihin at iharap daw Kay boss" lalaki 1
"O sige ,ako nang bahala sasabihan ko narin ang iba" lalaki 2 at saka umalis na ang isa
"Ah ,plano mo palang ipadakip ako sa mga tauhan mo ha,pwes di na kailangan ako na mismo ang pupunta sayo" bulong ko habang nagmamasid sa mga bantay
At nang makakuha ako ng tyempo ay mabilis akong pumasok sa luob at saka hinanap ang kwarto ng grupo ni simonSi simon ay anak ng mayor dito sa probinsya namin kaya madaming koneksyon ang pamilya nya kaya nagagawa nya ang lahat ng gusto nya,ewan ko dito Kay simon kong bakit ganyan ugali nyan mabait naman si mayor at matulungin sa mga kababayan nya pero itong si simon kabaligtaran sa ugali ng tatay niya gusto nya makuha kasi nya nakukuha lahat ng gusto nya tapos ang sama pa ng ugali masahol pa sa hayop
Kasalukuyan ako ngayong nasaharap ng kwarto nila simon at narinig kong nag uusap sila dahil nakabukas ng kaunti ang pintuan nila kaya sumilip narin ako
"Boss,grabe talaga yung babaeng yon,ang sakit manuntok" wika ng kasamahan niya mula sa loob
Kaya napatawa nalang ako sya siguro yong nasuntok ko sa mukha
"Anong plano mo ngayon boss?,siguradong babalikan tayo nong zenrie" tanong ng isa
"Wala tayong gagawin ngayon,magpagaling nalang muna tayo" simon
"Bakit naman boss?,siguradong pakikialaman nanaman ng babaeng yun ang negosyo natin pag nagkataon"singit ng isa
" wag kayong mag alala ,sigurado naman akong mayamaya e wala na sya dito sa probinsya ,at papunta nayon ng ibang planeta hahaha"tawa nya
Tss..makatawa kala mo nagtagumpay na ang gago kaya dahan kong binuksan ang pintuan at kita kong nagulat naman sila
"What's up guys,miss nyo ba ko" bungad ko sa kanila dahilan upang manginig sila
Third person POV*
Gulat at nanginginig na tumayo ang grupo ni simon mula sa kanilang pagkakahiga at hinarap ang dalagang kanina pa nagmamasid sa kanilang pag uusap na ngayon ay walang emosyong pumasok sa loob
"What's up guys,miss nyo ba ko" bungad ng babae ng makapasok sya sa loob
"A-anong g-ginag-awa mo dito,pa-paano ka n-nakapasok d-dito ha?" Kinakabahang tanong ni simon sa dalaga
"Malamang sa pintuan ,alangan namang sa bintana tss.." Pambabara ng dalaga Kay simon
"B-bakit k-ka nga nandito?,diba d-dapat wala kana dito sa probinsya" turan ni simon sa dalaga dahil ang akala nya ay wala na ito sa probinsya dahil sa pagkakaalam niya ay paaalisin ito ng kanyang ama kapag nalamang nasangkot o gumawa ito ng gulo
BINABASA MO ANG
THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKER
AcciónIto ay kwento ng isang dalaga na naninirahan sa isang probinsya ,sya ay mahilig sa away at mandalas masangkot sa gulo kaya naman ,napagdesesyunan ng tatay nya na ipadala sya sa maynila upang mailayo sya sa gulo at saka para matigil narin sa pagkaka...