chapter 27

3.4K 140 6
                                    


Si Loria sa taas ⬆⬆⬆⬆

Continuation.....

Napilitan akong tumalon sa hagdanan para lang makatakas sa mga naglalaway na aso kaya nakahinga ako ng maluwag ng makababa ako ng Hindi napipilay mula sa hagdanan papuntang sahig ng ibabang palapag

"Oy pinuno akyat dito!" Sigaw ni peter kaya agad naman akong umakyat sa pinagkatutungtungan nilang tatlo ni kiron na ngayon ay pasayaw sayaw pa sa itaas nitong lamesa habang inaasar ang isang aso kaya ang aso ay walang tigil sa kakatahol

"Oh ano ka ngayon ,di ka makaakyat ,hahaha wala ka kasing kamay hahahaha!!!" Tawa nya at sumasayaw sayaw pa

"Arrrrrr......arff....arff..." Tahol ng aso at parang gustong gusto kagatin si kiron pero tinawanan lang nya ito kaya walang tigil itong nagtatahol habang so kiron naman ay napatigil sa pagsayaw at nagtago pa sa likod ko

"Tsk..nasaan na ba yung may ari ng mga asong yan?" Inis Kong tanong

"Ahhhhhhhhhhh,yung aso !!" Sigaw pa ni kiron kaya napatingin kami sakanya at dahan dahan syang may itinuro at yun ay ang isang aso na ngayon ay balak yatang tumalon para makaakyat sa tinutung tungan naming Lima kaya nagsisisigaw silang apat

"Shit ! Wala nabang katapusan toh" inis Kong wika at dali daling lumipat ng tutungtungan hanggang sa nagsigawan nanaman  sila dahil hinahabol nanaman ng tatlong aso ang mga kasamahan ko na ngayon ay naghihilahan paikot ng mahabang lamesa

Mabuti nalang at nakaakyat ako dito -wika ko sa isip ko dahil safe ako dito sa taas ng isang cabinet na pinakamataas sa lahat

"Sa susunod Hindi na talaga ako sasama papunta dito !"

"Ako rin ,ayaw ko pang maging almusal ng mga halimaw na yan!"

"Hoy paunahin nyo kooo!!!"

"Bilis bilisan nyo mga gago!!"

"Andyan na sila,ahhhhhh!!!"

"Ahhhh,takbo ! Bilisan nyooo!!!!"

"Lagot na!,pinuno tulong!" Sigawan nila dahil naipit sila sa isang lugar at nacorner sila ng mga aso at ngayon ay nagtutulakan sila kung sino ang papauna dahil malapit na ang mga ito sakanila at nagsimula nanamang magtatahol ang mga aso

"TSS..bat ba ang iingay nyo?,mga panira kayo sa tulog !" Inis na wika ni pangit kaya nagtaka ako kung bakit nandidito sya

di kaya kapatid sya ng dalawa ?

Napansin ko pang naglakad ito papuntang kusina at kumuha ng tubig sa ref at linagok ang dalawang bote ng tubig

"Alex!!!,tulong!!" Sigaw ni Loria pagkalabas at pagkalabas palang ni pangit sa kusina

"TSS....ang iingay " Inis nitong wika at pumunta sa sofa

"Uno-dos-tres!,tama na yan" tawag nito sa mga aso at napahinga nalang kaming lahat ng maluwag ng sumunod naman ang mga ito at lumapit Kay pangit

"Attention !" Wika ni pangit nakatayo sa harap ng mga aso dahilan upang mamangha kaming lahat dahil kusang umupo at luminya pa ang mga aso

"Woahhh!!,paano nya yan nagagawa ?" Namamanghang wika ni vince habang nakatingin kay pangit na ngayon ay papunta sa pintuan at lumabas habang ang mga aso naman ay sumunod rin sa kanya

"May lahing aso siguro yan" sagot ng lorie

"Ibang klaseng pangit talaga yung babaeng yun,sa sobrang pangit ,pati aso natatakot at sumusunod sa kanya ,grabe! "manghang wika ko habang nakaupo na ngayon sa sofa habang nagpapahinga at namamangha parin Kay pangit

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon