chapter 66

2.7K 124 112
                                    

Fast forward).......

Talent portion

Sheric pov*

Kanina pa ako nanonood Mula rito sa pinakamataas na bahagi ng stadium dahilan upang matanaw ko ang lahat ng mga estudyanteng kaya kanyang sigawan at pagsabay sa kanta ng dating magkasintahang si Ashton at cherry na ngayon ay sabay na kumakanta sa gitna ng stage habang sinasabayan ng mga estudyanteng halatang nag eenjoy sa pag kanta habang ako dito sa taas ay kanina pa nag mamasid sa isang grupo ng dalawang lalaki at tatlong babaeng ngayon ay nasa kabilang bahagi ng stadium kung saan nakapwesto ang isang abandonadong CCTV room na kanina ko pa napapansing pasok labas ang dalawang babae habang ang isang babae naman ay nanonood lang sa kaganapan sa ibaba

"Sino kaya ang mga yun? " tanong ko sa isip ko at napaiwas na lamang ng tingin ng mapansin kong nakatingin saakin ang isang lalaki na sobrang pamilyar saakin ngunit di ko lang mawari kung saan ko ito nakita o nakasalamuha , dahil sa malayo ang kinapepwestuhan ko sa pwesto Nila, dahilan upang di ko masyado matanaw ang kanyang mukha dahil narin sa kalahati ng mukha nito ay di ko maaninag dahil sa mask na suot nito na tanging bandang Mata lamang ang nakikita

Napakunot na lamang ako ng noo ng makita kong lapitan ito ng isa lang lalaki na isang estudyante na sigurado akong si Leo na ngayon ay napatingin din sa pwesto ko na agad namang kumaway saakin dahilan upang mapatango na lamang ako at tumingin na sa stage kung saan kakatapos lang kumanta ng dalawa dahilan upang magtilian at magpalak pakan ang mga estudyante at lalo pa itong dumagondong ng pumagitna na si donis na halatang di pa nakakarecover sa mga pasang tinamo nya noong isang gabi sa loob ng Black arena

Sino ba ang misteryosong nilalang na iyon?"tanong ko pa sa isip ko ng ma alala ko nanaman ang naging lagay ng atmospera ng pumasok ang babaeng iyon sa black arena na syang ikinalakas ng tibok ng dib dib ko at ikinataas ng mga balahibo ko ng marinig ko palang ang bawat yapak nya sa kanyang dinadaanan na syang nakapagtahimik sa buong nanonood ng gabing iyon na parang sobrang pamilyar na ng kanyang presensya saakin

"Hayssstt... Bat ko ba iniisip pa yun? " tanong ko pa sa sarili ko dahil pahanggang ngayon ay tanda ko pa kung gaano kadilim at kabigat sa pakiramdam ang kanyang prensya na syang may kakayahan lamang na pigilan ang buong black rosary sa pagiging demonyo ng gabing iyon na syang gumugulo sa isip ko

"Please welcome, the representatives of section Aquarius, Alex & JAI " wika ni donis sa gitna ng stage dahilan upang lumabas Mula sa backstage si king at Alex na syang kanina ko pa di mapigilang titi--ayss..

"Ano bang meron ang babaeng yun at kanina pa ko kinakabahan " wika ko sa sarili ko dahil Mula ng makita ko syang ayos na ayos ang mukha at pananamit ay bigla na lamang tumigil ang lahat at tanging sya lamang ang nakikita at tinatanaw ko ngayon lalo na nong lumabas ito Mula sa backstage ay kagaya di ng mga estudyante ay pati ako ay halos napanganga na lang dahil sa malaking pag babagong nangyari sa itsura sya nong naayosan ito

"Shit! " gulat kong wika ng biglang may kung anong sumabit Mula saaking leeg Mula sa likuran dahilan upang dumaloy ang kaba Mula saaking sistema lalo na nang mahawakan ko ang malamig ngunit malambot nitong mga maliit na daliri na ngayon ay nakagapos sa aking leeg kaya dahan akong napalingon upang kumpirmahin kung Tama nga ba ang hinala ko na syang totoo talaga

"Peste, kailan pa sila nakauwi?! " wika ko sa isip ko ng makita ko ang dalawa sa likod ko na binigyan ako ng malalapad na ngisi at matatalim na tingin habang s likoran naman nila ay naka tayo ang halos mahigit sampung mga kalalakihang nakasuot ng purong itim habang nakakalat sa paligid nilang dalawa

"Hey dude, did you miss us,care to welcome "ngising wika ng isa saakin na itinapat pa sa harap ko ang tsupon nitong hawak hawak

" lagot na! "

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon