chapter 75

2.8K 119 35
                                    

Annie Pov*

Bumalik ako rito sa kwarto namin upang kumuha ng damit ng maabotan ko si Shia na naghahalungkat ng kung ano sa gamit ni alex

"Shia, anong hinahanap mo?" tanong ko rito ngunit tinignan lang ako nito at bumalik ulit sa pag hahanap dahilan upang mag taka ako ng di ako nito sagotin

"Shia, ayos ka lang ba? Gusto mo tulungan kita sa pag hahanap? " tanong ko pa rito ngunit inilingan lang ako nito at hinalungkat pa ng mabilis ang gamit ni alex

Parang may Mali "wika ko saaking isipan at lumapit na kayo Shia upang pigilin ito ngunit hinampas lang nito ang aking kamay dahilan upang mapalayo ako ng kaunti at silipin kong ano ang hinahanap nya sa bag ni alex na alam kong nahanap nya na

" anong gagawin mo sa bracelet ni alex? "Tanong ko pa rito ngunit binangga lang ako nito kaya takang napaupo na lamang ako sa kama at nakita ko syang agad na tumungo sa pintuan upang lumabas ng biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang walang emosyong mukha ni alex kaya huli ko na lang nalaman na tumalsik na pala si Shia sa sahig habang kumo kumo ang alam kong bracelet ni alex

" alex!, bat mo sya sinaktan?! "Inis kong wika kay alex at agad na nilapitan si Shia at tinulungan itong tumayo habang nakatingin sa Kay alex na ngayon ay samang nakatingin sa pwesto namin ni Shia na ngayon ay may kaunting dugo ang tumulo Mulat sakanyang bibig dahil sa sobrang lakas na pag sipa sa kanya ni alex

" lumayo ka sakanya Annie"malamig na wika ni alex habang humahakbang papalapit saaming dalawa ni Shia, dahilan upang mapailing ako at takang tumingin kay Shia na nakatingin din kay alex at agad na ibinulsa ang bracelet

"Sige subukan mong lumapit, butas tong bituka ng kaibigan mo " rinig kong wika ni Shia dahilan upang manglaki ang Mata ko ng may maramdaman akong patalim na ngayon ay nakatotok saaking gilid

"Shia ano toh! Nababaliw kana ba? " wika ko kay Shia at napatayo na lamang ng maramdaman kong inilipat nya sa leeg ang kutsilyong hawak nya at ibinaon ng kaunti saaking leeg dahilan upang maramdaman ko ang kaunting dugong tumutulo mula saaking leeg

"Shia! A-ano ba sa t-tingin mo ang ginagawa m-mo! "Wika ko pa dito ngunit sinabonotan lang ako nito at itinaas ang aking ulo

" ano, pumili ka papaalisin mo ako O mawawalan ng ulo tong kaibigan mo! "Sigaw pa nito kay alex na ngayon ay nakangisi lamang at napansin kong dahan na hinubad nito ang kanyang salamin dahilan upang makita ko ang mga Mata nyang kulay berdeng may kaunting pula sa paligid na ngayon ay Deretsong nakatingin saamin

"cessabunt omnia, audies, modo vox mea audietur, nunc sub hypnotismo meo"rinig kong wika ni alex dahilan upang maramdaman kong di na ako nakakagalaw at Hindi ko na rin maalis ang tingin ko kay alex at naramdaman ko na lamang na wala ng nakatotok na patalim saakin at nakikita ko na lamang kung paano ikumpas ni alex ang kanyang daliri dahilan upang bumalik ako sa dati ganon din si Shia na ngayon ay hawak hawak na ni alex habang nagdudugo ang mukha

" sinong pagkatao naman ang susunod nyong gagayahin "wika pa ni alex at agad na inuntog sa paanan ng kama si Shia dahilan upang mapangiwi ako at mapaluha na lamang ng makita ko kung paano pasakitan ni alex ang kaibigan naming si Shia na Hindi ko alam kung ano ang kasalanan nito kay alex ng biglang bumukas ang pintuan dahilan upang mapalingon kami ni alex Doon at nakita namin si Shia at Maura na laking Mata na nakatingin saaming tatlo dito sa loob

" arghhh... "Rinig kong daing ni alex at nakita ko nalang na namimilipit na ito sa sakit na ngayon dahilan upang subukin kong habolin ang babaeng nag panggap na Shia ngunit mabilis itong tumalon ng Bintana na nakita ko nalang na sumasabit sabit sa sang ng puno

" Shia jusko akala ko ikaw yun, ayos ka lang ba friend? "alalang wika ko at agad na nilapitan si Shia at niyakap ito dahil sa sobrang kaba ko

"Oum ayos lang ako, ikaw ba Annie tignan mo nagdurugo ka " ala lang wika din nito saakin na agad naman akong pinaupo at kumuha ng tela

THAT PROBINSYANA GIRL IS A TROUBLE MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon