ISOLATED: ALIVE AGAIN

2 1 1
                                    

Felix

"Layuan mo kami!", sigaw ko sabay sipa sa infected na kumagat kay Leo. Naglaglag ito pababa ng hagdan at unti unting nilamon ng kadiliman.

"Leo!Leo! Naririnig mo ba ako!?", hindi ko alam pero para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang mga oras na iyon.

Hindi sya sumasagot. Naistatwa sya sa kinatatayuan nya. Patuloy ang pagsigaw ko ng pangalan nya pero wala akong naririnig na sagot mula sa kanya. Unti unting bumabalik ang mga ala ala ko sa nangyari dati.

Ray! Ray! Gumising ka parang awa mo na! Andito na si kuya! Ray kung naririnig moko gumising ka please! Idilat mo ang mga mata mo!

Bigla akong nabalik sa ulirat. Narinig ko ang tuloy tuloy na paghinga nya ng malalim.

"Leo! Tumingin ka sa akin!", patuloy na pagsigaw ko

Biglang tumigil ang paghinga nya ng malalim"Ok lang ako", rinig kong bulong nya sa hangin.

"Ano!?"

"Ok lang ako", bigla syang humagulgol sa iyak. "Hindi nya ako kinagat" dagdag nya pa

Hindi ko alam kung paano pero kitang kita ko kung paano sya sinugod at sinungaban nung infected kanina

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang parte kung saan siya kinagat nung infected kanina

"Napakaraming dugo sa parteng leeg mo pero bakit walang bakas ng ngipin o kahit anong sugat ang naririto?", nagtatakang tanong ko

"Hindi nya ako kinagat peto wala ba talaga? Kaylangan mong siguraduhin, ayaw kong pati ikaw maging infected dahil sa akin", paninigurado ni Leo

Tinignan kong muli ang leeg ni Leo pero wala talaga akong nakitang sugat

"Paano to nangyari", nagtataka kong tanong

"Hindi ko alam wala naman akong ginawa", naguguluhang sagot din ni Leo sa akin

"Ngayong araw dalawang beses nang nalugi si kamatayan sayo".

Tinungo ko ang ibaba hagdan hawak ang isang maliit na ilaw kung saan nalaglag ang katawan ng infected

"Anong gagawin mo?"

"Wag kang mag alala di na sya gumagalaw", mahinang sagot ko kay Leo

Unti unti akong lumapit sa kanya at hinawi ang mahaba nitong buhok

"Aalamin ko lang kung bakit hindi ka niya kinagat", dagdag ko pa.

"Sino sya?", tanong ni Leo sa akin

"Hindi ko alam pero hindi sya mukang estudyante", sagot ko

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.Nang tuluyan kong mahawi ang kanyang buhok ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na muka

"Diba sya yung dorm keeper", sigaw ni Leo nang makita kung sino ang nasa harap namin.

"Oo sya nga", sagot ko sa kanya

"Napakabait nya sa akin kaya siguro hindi nya ako kinagat ay dahil naalala nya ako", pagpapaliwanag ni Leo

"Tigil tigilan mo yang iniisip mo at napakaimposible niyan", bawal ko sa kanya.

Sinuri kong maigi yung katawan ng dorm keeper dahil gusto kong malaman anong nangyari kanina

May mga kagat sya sa bandang leeg ang ibig sabihin marami ang umatake sa kanya kanina

E paano kung...

"Hindi maaari!", rinig kong bulong ni Leo mula sa likod ko

"Wala syang mga ngipin!"

"Bakit? Nasaan ang mga ngipin nya?", gulat na tanong ni Leo

"Hindi ko rin alam", maikling sagot ko

"Pag magiging infected ka ba kusang matatangal ang mga magaganda mong ngipin?", tanong ni Leo

Tumayo ako at naglakad ng bahagya nilibot ko ang ilaw sa paligid.









Leo

Dahil kaya sa mga virus kaya kusang nakakalag ang mga parte ng katawan ng isang infected?

Habang patuloy kong iniisip kung ano ang nangyayari ay ramdam ko ang pagtayo ni Felix

Naglakad ng bahagya sa bandang ibaba ng hagdan si Felix. Sa totoo lang hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon.

Kung wala si Felix ay baka naging pagkain narin ako ng mga infected o ang mas malala baka maging isa narin ako sa kanila.

"Leo", basag ni Felix sa katahimikan

"Ano yon?"

"Nasubukan mo na bang makaranas ng kirot dahil nabunutan ka ng ngipin?"

"Oo naaalala ko nung bata ako binunutan ako ng ngipin at pagkatapos mawala nung anesthesia ay halos apat na araw akong nahirapan sa pagtulog noon", sagot ko sa kanya

"Tama ka nga"

"Anong tama?", tanong ko sa kanya

"Niligtas nya nga ang buhay mo. Sa mga huling oras nya sa mundo gumawa sya ng isang masakit pero tamang desisyon. Binunot nya ang lahat ng ngipin nya isa isa!"

"Hindi maari!"

"Tara na Felix kailangan na natin syang iwan. Kailangan na nating kumilos"

Tumayo siya sa harap ng dorm keeper at tinangal ang isang telang nakabalot sa braso nya at isinaklob sa dorm keeper

"Paalam", rinig ko ang mahinang bulong nito.










Felix

Ipinagpatuloy namin ang sa pag-akyat patungong 7th floor. Malapit na kami sa kwarto nila Leo.

Kaylangan na naming magmadali dahil isang araw na kaming di kumakain.

Pero sino ba naman ang makakaramdam ng pagkagutom sa mga ganitong sitwasyon.

Sa susunod na palapag magkakakaalaman na.

Kung makakahanap kami ng pagkain o Kami ang gawing pagkain.

--------------------

A/N

Sorry ngayon lang po ulit ang update kasi nawalan ako ng gana this past months but someone keeps messaging me to update so here it go

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISOLATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon