ISOLATED: BITTEN

7 3 3
                                    

Felix

(Dead Silence)

Unti unti naming tinungo ang madilim na hagdan. Isang isang hakbang ang ginawa namin. Masyadong mahirap ang gumalaw sa dilim,para kang nakapiring na tupa sa gitna ng mga mahimbing sa tulog ng gutom na mga leon. Isang maling hakbang patay ka.

Habang tinatahak namin ang daan patungong 6th floor tumambad sa amin ang mga mannequin na nakaayos ang pwesto na tila mo talaga tao pag tititigan.

"Sinong naglagay ng mga iyan dito?", bulong ni Leo.

"Baka hindi lang naisinop. Naihi ata ako sa pantaloon ko dahil sa gulat sa mga iyan", sagot ko.

"Ang creepy lang nilang tignan na medyo astig din", manghang sabi ni Leo.

"Anong kinaastig nyan?", tanong ko.

"Tignan mo yung pagkakaukit sa kanila perpekto tapos yung detalye ng katawan maayos na maayos pati yung hugis ng muka", sagot ni leo sabay hawak sa ulunan ng mannequin.

Paghawak ni Leo sa ulo ng isang mannequin bigla itong nalalaglag na gumawa ng isang ingay.

Blag!

Biglang kaming naposte ni Leo sa kinatatayuan namin habang pinagmamasdan ang ulo ng mannequin na gumulong sa madilim na parte ng  hagdan tuloy tuloy ito sa paggulong pababa kung saan kami nangaling.

Blag!

Blag!

Blag!

Patuloy ang pag gulong nito pababa. Lumagapak sa bawat palapag ng hagdan.

Pinakiramdaman ang paligid sa anumang pwedeng mangyari.

.

.

.

.

.

.

Wala! Walang atakeng nangyari baka dahil walang infected ang nandirito sa hagdanan.

"Akala ko may darating nanaman na infected"

"Ingat nalang sa mga kilos at tsaka wag mo nang galawin iyang mga iyan at baka yung mga estudyante sa Fashion Design ang nakaiwan ng mga iyan" pagpapaalala ko.

"Buti nalang walang infected sa hagdan Felix pasensya"

"Sige tara na! Kaylangan na nating makarating sa kwarto nyo hangat may pagkakataon pa"

Nagpatuloy kami sa paglakad papunta sa kwarto nila Leo.

"Alam mo Felix, yun yung unang beses na nakipagbugbugan ako laban sa buong estudyante sa 5th floor", medyo natatawang sabi ni Leo.

"Edi napakaswerte mo dahil may isang palapag pa tayong dadaanan para makipagbalibagan", biro ko sa kanya.

Tumakbo sa harap ko si Leo."Pero wala na yung gitara sira na kaylangan kong kumuha pa ng ibang----"

"Shhhhh", hindi na naituloy pa ni Leo ang sasahihin nya.

Bigla syang napakapit sa akin.

"May problema ba?", takot na tanong niya sa akin.

"Hindi mo ba naririnig?", tanong ko sa kanya.

"Naririnig ang alin?", takot na tanong ni Leo.

ISOLATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon