ISOLATED: THE OUTBREAK

21 5 13
                                    

Felix

Hindi ko alam kung anong lugar ang kinatatayuan ko ngayon...

Napakadilim...
Nakakatakot...
Ano itong lugar na ito?

Nilibot ko ang aking paningin at sa di kalayuan ay nakita ko ang isang estudyante.

Kung hindi ako nagkakamali sya si Jack ang kaibigan ko.

"Jack!", sigaw ko

Patakbo akong lumapit sa kanya upang tanungin kung nasaan kami.

"Jack!", muli kong tawag sabay hawak sa balikat nya.

"Ja---", bigla akong napatigil ng humarap sya sa akin.

Hindi! Hindi sya si Jack! Hindi na sya si Jack. Isa na syang halimaw!

Ang mukha nya...puno ito ng dugo, kakaiba ang kilos nya,ang mga mata nya ay mapupula at halos lumuwa na.

"Hiiinndddddeee!!!", sigaw ko na nag-eecho sa buong kwarto.

Biglang dumilat ang mga mata ko. Paniginip! Oo panaginip lang ang lahat.

Bakit ako nasa banyo ng dormitory ng University. Nakahiga ako sa malamig na sahig. Anong ginagawa ko dito?

Ahh! Naaalala ko na. Sumakit ng sobra ang tiyan ko nakaraang gabi...

Pumunta ako sa banyo at mukang dito ako nawalan ng malay dahil sa kalasingan.

Bakit hindi nila ako hinanap? Pwede akong mamatay dito.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko.Lumabas ako upang hanapin ang mga kasama ko pero pag bukas ko ng cubicle...

(Groans)

Merong isang nakakatakot na lalaki ang sumalubong sakin.Kagaya sya ng hitsura ni Jack sa panaginip ko.

Punong puno ng dugo ang mukha nya,ang mga mata nya ay mapula at ang kilos nya, napaka agresibo na parang isang leong gustong lumapa ng isang tupa.

Bigla akong napabalik sa loob ng cubicle.

"Anong ginagawa nyo?!", sigaw ko sa takot

"Guys hindi nakatuwa! Itigil nyo na itong kalokohang ito! If this is a prank please stop this nonsense", bulyaw ko sa kanila

Hindi parin siya tumigil sa pagbukas ng pinto.

"Fuck it guys!Stop this nonsense please", pagmamakaawa ko.

Hindi talaga sya tumitigil bahagyang nabuksan ang pinto ng cubicle na naging dahilan para maipasok ang ulo ng agresibong taong kanina pa nasa labas.

"Shit!", sa gulat ko ay bila kong hinila pabalik ang pinto

Fuck! His head is stuck!

"Guys whats happening?! This is not funny at all", sigaw ko

"Bro sorry dinner nalang tayo mamaya sagot ko lahat", sabi ko sa lalaki na naipit ang ulo sa pinto ng cubicle sabay sipa sa kanya palabas.

(Groans)

Bago ko muling maisara ang pinto at nakita kong may iba pang dumarating na tao, hindi! Hindi sila tao! May kung anong mali sa kanila!

Bang!Bang!Bang! Kalampag nila sa pintuan ng cubicle.

"Mga baliw na ba kayo!", sigaw ko sa kanila.

ISOLATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon