ISOLATED: SUICIDE

8 3 8
                                    

Leo

"Kasama mo ba sya dito sa kwarto?", tanong ko sabay turo sa nakataling bangkay.

"Oo, nagulat ako kanina ng atakihin nya ako kaya hindi ko sinasadyang maihampas yung gitara sa ulo nya"

"Hindi ka ba nakagat?!", tanong ko.

"Hindi", maikli nyang sagot

Ganoon nalang talaga siguro kalakas ang pwersa nila. Already dead but still powerful.

"Kung ganon nasan yung dalawa mo pang kasama dito?"

"Yung isa nalaglag na sa building at yung isa naman nasa labas ng pintuan na iyan", sagot nya sabay turo sa pintuan."Lahat sila naging infected na"

"Paano to nangyari? Lahat sila naging infected ng isang gabi lang?", naguguluhan kong tanong.

"Hindi lahat, nandito pa ako sa tabi mo. Ayusin mo ang sarili mo, may darating na tao para sunduin tayo"

Tumayo sya at lumapit papunta sa akin.

"Nasaan ang cellphone mo?"

"Yung cellphone ko? Na---nasa desk namin bro wala nakong oras para kunin pa kagabi"

"What the hell! Bakit hindi ako makahanap ng mga cellphone sa ganitong klaseng emergency?!", sigaw nya sabay tayo sa kama.

Nakikita ko yung pagpupursigi ni Felix para makahanap ng re-rescue sa amin.

"Fel---", putol na bulong ko.

"Ikaw maghanap ka sa kama na iyan at ako ay hahanap pa ng iba sa gamit ni Jack", utos niya sa akin.

"Ok"








Felix

Kung yung cellphone ni Jack may password, ang ibig sabihin may dalawa pang cellphone sa kwartong ito.

"Uyy tubig!Kagabi pa ako nauuhaw"

Napatingin ako sa kanya nang binuksan nya ang water jug sa kwarto namin.

"Let me have some water first", sabi ni Leo.

"Okay", maikli kong tugon.

"Kagabi ko pa gustong uminom pero dahil pinutol ang mga line ng tubig sa dorms para sa school event hindi ako nakainom at buti nalang at hindi ako nakakuha ng kahit isang patak ng tubig kung hindi baka nasa banyo narin ako ngayong umaga di tulad ng mga kasama ko sa kwarto"

Napatigil ako sa paghahanap ng narinig ang sinabi nya. May nasabi syang bagay na talagang napakalaki ang posibilidad na may kakaiba sa nangyayari.

"Put that water down Leo!", pigil ko sa kanya.

"Huh? Anong problema Felix?", tanong nya.

Lumapit ako sa water jug at sinubukang inspeksyunin ang tubig.

"Wag mo sabihing inihian yan ng mga kasama mo"

"Leo, hindi kaba nagtataka?"

"Nagtataka na?", balik na tanong nya sa akin.

"Di ka ba nagtataka kung bakit hindi tayo naging infected?", sagot ko habang iniisip din talaga kung bakit.

ISOLATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon