Unti unting nadatingan ang mga infected.
"Sorry Felix"
"Ok lang Leo ingat nalang sa susunod ang mahalaga buhay parin tayo", sagot niya.
Inilapag ko ang gitara sa may lamesa at ganun din ang hunters knife ni Felix.
Maghihintay muna kaming kumalmang muli ang paligid.
Gumagabi na at lalong humihirap ang plano namin.
Tama si Felix mahihirapan kaming gumalaw sa dilim.
Paglipas ng ilang minuto tumahimik na muli ang buong paligid.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa gabing madilim.
Felix
Lumipas ang ilang minuto mula ng lumabas kami ng kwarto. Kailangan naming makarating sa pupuntahan namin hangat maaga. Lumalalim na ang gabi at mas lalong delikado ang dilim.
"Leo bibilang ako ng tatlo pagbukas ko ng pinto tatakbo tayo! Isa...Dala--"
"Teka! Teka! Tatakbo?! Mas lalo tayong mahahalata pag tumakbo tayo. Muntik na tayong mahuli kanina.
Paano kung gayahin natin yung kilos nila mas tahimik at maingat ", suhestiyon ni Leo"Sige sige change plan. Sundin natin plano mo", sagot ko.
"Isa...Dalawa...Tat----"
"Teka! Hindi tayo sigurado sa plano natin. Paano kaya kung magplano tayo ng maayos bago tayo kumilos", suhestiyon muli ni Leo.
"Wala nang oras! Yung plano mo yun ang sundin natin", sagot ko muli.
"Plano ko diba may plano ka?", bulong nya.
Hindi ko na sya kinibo at nagsimula muli akong magbilang para sa hudyat ng pagkilos namin ni Leo.
"Isa...Dalawa..."
"Teka! Ayoko pang mamatay!", bulong Leo
"Tatlo!", bigla kong binuksan ang pinto.
"Ahhh!", sigaw ni Leo.
"Shhhh! Wag kang maingay!", bigla kong tinakip ang palad ko sa bibig ni Leo
Walang infected sa labas ng kwarto. Malinis ang hallway.
Nasan sila? Bakit parang bigla nalang nawawala lahat ng infected!
Napatingin ako kay Leo. Nakita kong dinampot nya ang isang gitara at isang hunters knife na nakalapag sa lamesa ng kwarto.
Lumapit muli ako kay leo para tulungan sya sa ginagawa nya.
"Leo bilisan mo!", mahina kong utos sa kanya.
Inabot sa akin ni Leo ang hunters knife habang hawak naman niya ang gitara.
Papalabas na muli kami ng kwarto ng biglang may isang infected ang nakita kong papunta sa direksyon kung nasaan kami.
Nagtago kami sa likod ng pinto. Biglang nanginig ang buong katawan ko. Yung plano sa isip ko biglang natunaw na parang yelo.
Hindi pala uubra ang plano namin. Isang infected palang ang nakakaharap namin pero iba na ang takot sa katawan ko. Iba na ang kilos nila mas agresibo.
Ramdam ko ang panginginig ni Leo. Maghihintay ako ng tamang oras para unahang sumalake ang infected.
Tuloy tuloy syang pumasok sa kwarto namin. May kung ano syang hinahanap. Inaamoy nya ang paligid.