ISOLATED: RUN

6 4 13
                                    

Felix

Fuck napakarami nila! Nagkamali ata ako sa plano ko.

Nanginig ang buong katawan ko. Namatay ata ako ng panandalian ng mga oras na iyon dahil sa nakita ko.
Tumigil ang tibok ng puso ko sa takot.

I'm done...

Pinikit ko ang mga mata ko nang isa isang magsilapit ang mga infected sa akin.

(Groans)

(. . . . . . . . .)

(Groans)

Huh?...

Napadilat ako nang unti unting humina ang mga ungol ng infected sa harap ko.Patay na ba ako?

Kinapa ko ang sarili ko. Ok, may kamay pa ako. Ang mga binti ko kumpletong kumpleto pa. Wala ring masakit sa katawan ko. Wala akong kagat!

Buhay ako!Buhay pa ako!

Great! Gumagana! Hindi nila ako inaatake! Sabi na at tama ako HAHA.

"Pssst! Felix! Ok ka lang ba?", bulong ni Leo mula sa kwartong pinasukan namin kanina.

Tumingin ako sa kanya sabay kindat."Ok lang ako! Gumana sya!", sagot ko sa kanya sa mahinang boses.

Nanginginig parin ang buong katawan ko pero kailangang wag kong ipakitang takot ako. Lalo na at kasama ko lalo na at parang hawak ko ang buhay ni Leo ngayon.

"Felix, kaya ba nating dumiretso hangang sa kwarto namin?", tanong ni Leo sa akin.

"Shhhh tahimik", bawal ko sa kanya, hindi ako sumagot kasi hindi ko naman talaga alam kung kaya namin.

Ang mahalaga ngayon gumagana ang plano namin.

Walang masyadong infected sa hagdan na nagdurugtong sa 5th at 4th floor.

"Leo kaya natin to"

Habang paakyat kami ni Leo ay maingat parin ang mga galaw namin. Walang masyadong infected sa hagdan kaya hindi kami nahirapan sa pag-akyat.

(Groans)

Pagdating namin sa 5th floor ay tumambad sa aming harap ang kumpol ng mga infected sa hallway.
Kaya pala walang masyadong infected sa hagdan kasi nandito silang lahat.

(Groans)

Napahinto kami ni Leo sa paglalakad. Masyado silang marami para suungin namin. Baka hindi kami umabot sa 7th floor pag dumaan kami dyan.

Kailangan namin ng plano. Kahit kaunti man lang.







Leo

I'm sorry Felix mukhang di ko kayang magpatuloy pa. Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo kasi mukhang pursigido ka sa plano mo.

Naupo ako at sumandal sa pader. Felix kaya paba talaga o pinipilit nalang natin gawin para sabihing kaya pa.

"Leo ok lang tayo dito kailangan lang natin maghintay ng kaunti at aalis din silang lahat", bulong ni Felix sabay tapik sa likod ko.

Napatingin ako sa kanya mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob para sabihing hindi ko na kaya.

Iba ang ugali ni Calvin. Hindi sya basta basta sumusuko hangat kaya nya lumalaban sya.

Napabuntong hininga ako! Hay nako Calvin! Kung kaya mo kaya ko rin! Papatalo paba ako? Kaya ko to.

"Magpahinga nalang din muna tayo at maraming nakaharang na infected sa pintuan papasok sa unang kwartong malapit dito", payo nya sa akin.

ISOLATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon