XIX

506 22 2
                                    

"Good morning!" Masiglang bati ni Yuniko nang maisipan kong bisitahin ito.

"Good morning, Niko!" I hugged him.

"Kumusta pag-aapply ng work?"

"As always, nakakastress lalo na kapag sa interview na. Jusmiyo, parang gusto ko na lang mamasura sa tabi-tabi." I joked and he just laughed.

"Bakit? Desenteng trabaho iyon."

Napaisip ako bago tumango. Oo nga naman. Okay lang kaya kung mamasura na lang ako?

Natawa ako sa naisip. Kung doon lang din pala ang bagsak ko eh 'di hindi na lang sana ako nag-aral, siguro marami na akong ipon ngayon. I pouted.

"Kumusta naman dito? I oftenly came here na ngayong busy sa pag-aapply, baka naman pinapabayaan mo ang mga staffs dito?" Pairap na tanong ko bago ginala ang paningin sa buong building.

Pairap niya akong tinapunan ng tingin.

"Anong akala mo sa akin? Makakayang makita na naghihirap dito ang mga staffs natin? Masyado mo akong pinapasama."

I laughed. "Layo naman nang narating nang sinasabi mo."

Natawa kami ng sabay. We decided to eat lunch at the near restaurant where it's our favorite restaurant. Siya na ang pinag-order ko dahil nagjejebs ako. Just kidding, magreretouch ako. Masyado raw halata ang eyebags ko.

Pagpasok ko ay may tatlong babae ang naroon. Namukhaan ko ang isa bilang si Ria. Ah, may iba rin pala siyang kaibigan maliban kina Zahara?

"Look who's here." Medyo malakas at huminto sa paglalagay ng lipstick sa malatilapiya niyang labi. I'm sorry, bitter na kung bitter, totoo naman. Bagay rin naman sa kanya, no hate hehe.

Hindi ko na lang siya pinansin at nilabas ang foundation ko. I put a little below my eyes and smiled at the mirror. Nanonood sila sa ginagawa ko. As if namang papatulan ko 'tong si Ria. Ano bang ikinapuputok ng butsi niya? Hindi ata napainom ni Bryce ng gamot.

"I heard ikaw iyong naging ka-fling ni Bryce noong nasa ibang bansa ako?"

Hindi ako sumagot. I even plump my lips and smiled again. Paano kaya mainis ang isang Ria?

"There's no one who can replace my place inside Bryce's heart. Kaya for sure, ilang araw lang ang tinagal niya sa 'yo. Nakakasawa rin naman kasi kung iisang putahe lang at hindi pa niya paborito. Thanks to me, bumalik na ang paborito niya at bumalik na rin siya sa akin." Natatawa niyang sabi. She even flipped her hair.

Natawa rin ako nang mahina. Natigil siya sa kakatawa.

"You mean, isa ka lang din sa mga putaheng gusto niyang tikman? Paborito ka nga, pero hindi lang ikaw ang gusto niyang putahe. Gosh, nakakaawa ka naman."

Narinig ko ang pagtawa niya nang mahina, walang humor.

"What are you sayin'? Paborito niya ako at wala na siyang ibang putaheng gustong tikman!" Parang naiinis ngunit nangingiti niyang sabi. Tumango ang dalawang nasa likuran niya, alipores.

"Kumbaga sa ulam, paborito ka lang, pero nakakatikim pa rin siya ng iba. Come on, Ria. Open your damn brain, anong silbi niyan kung hindi mo gagamitin?" Nang-iinsulto kong tanong.

Akma siyang lalapit ng ako na mismo ang lumapit sa kanya. Nakaakma na siyang mananampal.

"Ganyan pala ang tipo ni Bryce? Masyadong mababa. " sabi ko bago tumalikod at lumabas. Nasa hallway ako nang may humatak sa braso ko. Padarag niya akong iniharap sa kanya. Ang galit na mukha ni Ria ang tumambad sa akin.

"Oo! Ganitong tipo! At ang tinutukoy mong mababa ay ang babaeng mahal ni Bryce! Kaya huwag mo akong maliitin! I am his girlfriend and you are JUST his ex-fling! Walang-wala ka sa akin, Bitch!"

The Playboy's Target (Saldaviga Series #2) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon