X

625 29 7
                                    

Nagtuloy-tuloy ang pangungulit ni Bryce sa akin and that's it. Hindi ko alam kung bakit pero...nahuhulog na ata ako sa kanya. I can't deny it. Ganitong-ganito rin ang nararamdaman ko dati whenever I am with my ex. Sa tuwing mapapangiti siya or mapapangiti ko siya parang achievement ko na iyon. Sa tuwing napapatawa ko siya, natutuwa ako. Sa tuwing nag-eeffort siya, ang saya-saya ko.

Pero alam ko sa sarili kong ibang-iba ang pinaparamdam sa akin ni Shaun ngayon, iba ang nararamdaman ko kumpara sa mga naging nobyo ko dati. Kay Shaun kasi...parang sobra-sobra lahat eh, saya, tuwa at galak. Oh, iisa lang 'yon. Bahala na nga. Basta, masaya ako sa kung anong mamamagitan sa amin ni Shaun.

"Lunch, Yzabel." Inabot niya sa akin ang spoon and fork. Nakasimangot ito. Inabutan niya rin si Isaac, nakangisi si Isaac kaya mas lalong sumama ang muka ni Shaun.

"Lunch, Lern?" Aya ko pa nang hindi nito ginalaw ang libre ni Shaun sa amin.

"Ako ba hindi mo aayain, Yzabel?"

Tumaas ang kilay ko. "Inaya mo ako, hindi mo inaya si Isaac, so siya na lang ang inaya ko dahil inaya mo naman na ako?" Tila naguluhan din ako sa sinabi ko.

Tumikhim siya. Mas lalong nilapit ang upuan sa akin.

Napangiwi ako at nakita na naman ang mga mapanghusgang mga tingin ng mga babae. Hindi pa ba kayo nasanay? I am with him all the time, whenever there's a chance though.

"Whatever. Puntahan mo na nga lang ang nililigawan mong chinita, Isaac. Istorbo ka sa diskarte ko e."

"Binabantayan ko si Gwineth. Iba pa naman galawan mo, bold ka masyado. Kapag iniwan ko kayo baka gawin mo rin 'yong mga ginagawa mo sa iba mong mga baba--"

"Fuck you!" Sigaw ni Bryce at binato ng bottled water si Isaac.

Napailing-iling na lang ako. Huwag na kayong magtaka kung bakit agaw atensyon din kami bukod sa mga maganda ako ay gwapo rin sila, masyado ring agaw pansin dahil sa pagbabangayan, parang mga bata.

"Bastos! I gotta go, Neth. Ingat ka riyan ha." Sabay turo kay Shaun, tumango naman ako. Bakit ba? Iinisin ko si Shaun.

And yeah, boom, masama ang tingin sa akin ni Shaun. Nagkibit-balikat ako.

"Why did you nod, Yzabel? Mukha ba akong masama?" Seryoso niyang tanong.

Napangiwi ako. Arte naman nito.

"Hindi ah." Nakangiti kong sagot. Inirapan niya ako bago inusog ang upuan, palayo sa akin. Tingnan mo 'to!

"Eat your food, ihahatid pa kita sa room niyo." Masungit na sabi niya.

Napanguso ako, humalukipkip at tinitigan siya. Patuloy lang siya sa pagkain, tsk, sige lang Bryce Shaun. Mag-inarte ka pa.

"Galit ka? Arte nito oh." Kinalabit ko siya. Ayaw paawat oh! Kain pa rin nang kain. 'Pag ako nainis, magpapaiwan na lang ako. Tingnan natin kung anong gagawin nito.

"Tsk. Stop it, Yzabel. Kumain ka na."

I sighed, pinalobo ang pisngi. "Okay fine. Iwan mo na lang ako rito." Pag-iinarte ko.

Iritado niya akong nilingon. Pero nang makitang nakanguso ako ay lumamlam ang mata niya. Umusog palapit ulit sa akin.

"I'll feed you." Nakangusong sabi niya, inumang sa akin ang kutsara kong sinandukan niya ng pagkain ko. "Ah," utos niya sa akin.

I smiled. "Hindi mo 'ko iiwan?" Parang bata kong tanong.

Umiwas siya ng tingin, I saw his ears become red.

"H-hindi, kaya bilisan mong kumain. Tsk. Dapat talaga hanapan na natin ng girlfriend si Isaac. That jerk will ruin our moment."

I chuckled. "Mukhang okay na man sa kanya 'yong chinita e. Mabait at maganda 'yon."

The Playboy's Target (Saldaviga Series #2) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon