V

653 26 4
                                    

"Hija, napakaganda mo. Mabuti at naisipan kang imbitahan ng kambal? Kumusta naman ang mommy mo?"

Napangiti ako kay Tita Carla nang salubungin niya ang kambal.

"Good evening po, Tita. Sapilitan pa nga po eh. Maayos naman po si mommy, as usual po busy sa Resort." Mabuti at umakyat na ang dalawa. Hindi kasi rito sa mansyon gaganapin ang selebrasyon kaya tahimik ang mansyon nila. Sa bar daw kasi gusto ng kambal at ayaw nang magpahanda kay Tita, kagagaling lang din daw kasi ni Tita sa Canada.

"Mabuti naman kung ganoon, hija. Wala na kasi kaming okasyon na napagkakikitaan at kauuwi ko lang."

"Sinabi nga rin po ni Isaac sa akin." Nakangiti kong tugon.

Tumaas nang bahagya ang kilay niya at tiningnan ako ng makahulugan. Kinabahan ako ngunit ngumiti na lamang ako.

"Sino ba sa kambal ko ang nanliligaw sa iyo, hija? Nako ha. Sinasabi ko lang sa 'yo hija, mababait iyang mga iyan pero habulin talaga ng mga babae."

Napakagat labi na lamang ako. "T-tita naman e. Wala pong nanliligaw sa akin sa kanila at hindi po ako nagpapaligaw."

Ngumiwi si Tita at inayos ang buhok ko.

"May irereto na lang ako sa iyo. Mamaya ay andoon ang mga pinsan nila kaya sana matipuan mo ang irereto ko sa 'yo, hija. Lawyer iyon at mabait na bata kaya solve ka roon, hija. Ready?"

Alangan akong tumango. Sure na ba? P-pero...nagtatrabaho na pala e? Ako nag-aaral pa lang.

At sabi ko wala pa akong balak magboyfriend. Nakakatempt din naman kasi ang sinasabi ni Tita Carla...

"S-sige po Tita. Napatol po ba iyan sa mas bata sa kanya? 4th year pa lang po ako."

"Nako! Eh gagraduate ka naman na."

Ngumiti na lamang ako at tumango.

"Mamaya, magtanong-tanong ka kung sino si..." bumulong siya sa akin. Napagulat ako. K-kilala ko 'yon e! Akala ko pa naman kung sinong attorney na pamangkin ni Tita!

"Kilala ko po iyan. Magaling na attorney po iyan, Tita e. Baka po may girlfriend?"

"Hindi ko naman irereto sa iyo hija kung meron."

Natawa ako nang mahina.

Natigil ako sa pagtawa nang bumaba ang kambal kasabay ang dalawang babae. Kilala ko ang isa, si Vianne iyon, ang bunso nila. Napatitig ako sa babaeng nakakapit sa braso ni Bryce. Maganda ito, sobra. Ngayon ko lang siya nakita.

"Oh ayan na pala kayo. Napakagaganda at popogi naman ng mga anak ko, sayang at hindi nakauwi ang kuya niyo." Nakangusong sabi ni Tita. Napasinghap ako. Anak din ni Tita 'yong babae?

"Tita naman..." nahihiyang sambit ng babae. Naconscious tuloy ako sa sarili ko. Alam ko sa sarili kong maganda ako, pero iba e. Kapag natabi ka sa kanya, mapapatanong ka nalang talaga kung maganda pa ba ko?

At bakit Tita ang tawag niya kay Tita Carla?

"Talaga naman, Loira hija."

'Loira?' Sounds familliar, saan ko ba narinig iyon?

"Hi!" Bati nito sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Sinong makakatanggi sa ngiti niya? I smiled back.

"Hello. Ang ganda mo." Komento ko kaya namula ang pisngi nito.

"I-ikaw rin naman e."

Napangiti ako. Tiningnan ko si Bryce nang makitang nakataas ang kilay niya habang nakasuyod ang tingin sa katawan ko. Problema ng lalaking ito? Hindi niya ba nakita ang suot ko kanina?

The Playboy's Target (Saldaviga Series #2) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon