XL

523 18 2
                                    

"What the fuck, Yuniko?!"

Nagkamot siya ng batok bago lumapit sa akin at niyakap ako. Halos matumba pa ako dahil sa ginawa niya. Nakita ko kasi sila ni Leila na sobrang sweet na akala mo ay mag-asawa! Excuse me, ang balita ko nanliligaw pa lang.

"Namiss kita, baby girl!" Sigaw niya, hindi pinansin ang bulyaw ko.

Bakit naman kasi si Leila? Ang tingin ko pa rin kasi talaga kay Leila ay bata! Baby face kasi e, ginagamit ata skin care ko, just kidding.

"Ako rin ho Ma'am Gwin, namiss din po kit—"

"Talaga Leila?! Eh kung kurutin ko singit mo riyan? Saka ka lang nagsabi noong sinabi ni Yuniko, eh kahapon pa tayo nagkitang babaita ka."

Ngumiwi si Leila at nagpeace sign sa akin. Bagay nga sila ni Yuniko.

"Sorry na ma'am, na-carry way lang."

"It's carried away, baby." Nakangiting sabi ni Yuniko sa baby niya.

Napairap ako sa ere. Purdiosporsanto, may single dito, pwede pasintabi?

"Sorry baby, carried away pala."

"Oo at maki-carried away ako kapag hindi kayo naglubay sa kaka-baby niyo."

Wala akong naalala ha. Excuse me, corny ng endearment na 'yan!

"Iniwan niyo ho si Sir Bryce? Gustong-gusto ho talaga kayong makita ni Sir noon eh, araw-araw ho bumibisita sa mansy—"

"Baby? 'Di ba may lakad tayo later? Why don't we just leave Gwineth here?"

"Hep!" Sigaw ko. Iiwan nila ako?! "S-sasama ako."

"Alam mo baby girl, alam kong miss mo kami pero monthsarry namin kaya baka bukas na lang tayo magbonding?"

Sinipa ko ang binti niya. Initsapwera ako!

"Sinasabi mo bang istorbo ako?"

"Ganoon na nga ho siguro ang sinabi ni Yuniko ho."

Ang bastos ng bunganga ni Leila. Remind me to squeeze a spice on her lips.

"Leila, kung hindi ka lang humahabol sa ganda ko. Tanggal na 'yang kilay mo."

"Ay huwag naman ho. Ang ganda ho kaya ng kilay ko, pang Andrea Brilyante."

"Brilliantes." Pagtatama ni Yuniko.

Imbis na magalit sa kanilang dalawa ay napailing na lang ako. Kahit sabihin kong nakokornihan ako sa kanila, hindi ko maipagkakailang ang cute nila! Oo, bagay na bagay.

"Chupi na nga!" Pagtataboy ko sa dalawa. Tumawa pa sila bago lumapit sa akin si Yuniko at hinalikan ang noo ko kahit pawisan.

Ngumuso ako. "Ingat kayo ha. Ingatan mo 'yang babaitang 'yan. At ikaw naman Leila, ingatan mo 'yang si bespren ko."

Tumango ang dalawang hunghang. Napairap ako sa ere nang magkahawak kamay silang lumabas ng gym. This is the part of being single that I hate! Naiinggit ako! Gusto ko ng jowa.

"Excuse me, I'm Daxion again. Can I have your number now?" Nakangiti ito kaya mas lalong sumingkit ang mata. Ang cute lang.

"Sure. No problem."

Inabot ko ang cellphone niya at agad nagtipa roon. Nakangiti siya nang ibalik ko ang cellphone niya. Agad naman siyang nagpaalam dahil tapos na raw siya at uuwi na. Inaya pa niya ako pero tumanggi ako dahil may dala naman akong saasakyan at kahit wala ay hindi ako sasama sa kanya, baka kung saan pa kami dumeretso.

"Hindi mo ata kasama ang boyfriend mo?"

Napatalon ako dahil sa gulat nang pagharap ko ay ang blankong ekspresyon ni Shaun ang sumalubong sa akin. Nakatingala pa ako at nakahawak sa dibdib, epic!

The Playboy's Target (Saldaviga Series #2) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon