XLI

520 18 2
                                    

"Ate!"

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa sigaw ni Gwan at sa malalakas na katok na rin sa pintuan.

"Ano ba?!" Bulyaw ko mula sa loob. Mabilis akong bumangon at tinungo ang pintuan.

"Fuck." Mahina niyang sabi nang pagbukas ko ay muntik na siyang masubsob. "Daddy's awake!"

Napakusot ako sa mata ko, pinoproseso ng utak ko ang sinabi ni Gwan. Sinong gising na?!

"What d-did you say?" Kinakabahan kong tanong, nanginginig pa ang labi.

"Gising na si daddy! Papunta na kami sa ospital, sasama ka na?"

Napakunot noo ako, pero mabilis din na hinatak siya upang makaalis na ng bahay. Halos kaladkarin ko siya marating lang ang garahe.

"Tara na!" Sigaw ni Zachary. Andito pa rin siya, hindi siya bumalik sa condo niya.

"I'll drive!" Presinta agad ni Gwan at mabilis na binuksan ang backseat, pinapasok niya ako. Nasa front seat naman si mommy na parang nagdadasal. Katabi ko naman si Leila at Zachary.

Pagkarating namin sa hospital ay halos mapalingon lahat nang nadadaanan namin, for what reason, siguro dahil tumatakbo kaming lima.

Nangingilid na agad ang luha ko kahit hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin. Ang saya ko lang dahil gising na siya.

"Pa..." Bati ni Mommy nang makapasok na kami. Natigilan ako. Para bang may pumigil bigla sa akin na lumapit. Nakita ko rin si Lola kaya mas lalo akong kinabahan at nanlumo.

Mabuti na lang at inalalayan ako ni Gwan na maupo sa may gilid, malayo kina Lola at mommy. Nakatulala lang ako kay mommy at daddy na nag-uusap. Lola's silent.

"I-im sorry..." hagulgol ni mommy ang bumalot sa kwarto. Napaiwas ako nang tingin at pinaglaruan ang mga darili sa kamay. Naramdaman kong tinatapik-tapik pa ni Gwan ang likod ko.

"M-ma..." paos na sambit ni daddy.

Parang sumasakit din ang dibdib ko dahil parang hirap na hirap siyang magsalita.

"I-i'm so sorry, too..."

Marami pa silang pinag-usapan na hindi ko na nasabayan. Naririnig ko ang iyak ni mommy kaya ayokong tumingin.

Napatayo ako at mabilis na lumabas. Hindi ko kaya...
Nakita ko agad ang pagtayo nina Leila at Zach, nagpaiwan kasi sila sa labas.

Sinalubong agad ako ni Zachary at niyakap, telling me that everything will be alright...na matatapos din ang lahat.

"M-ma'am...sipon niyo po." Pinunasan pa ni Leila ang luha ko gamit ang tissue na dala-dala niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Gaga talaga 'to.

"Alam niyo naman pong everyday side you ako ma'am."

"Araw-araw kang tagilid." Biro ni Zach kaya napanguso ako, pinipigilang matawa.

"Pero seriously ma'am," nahinto pa si Leila at marahil ay naisip na hindi naging baluktot ang dila at tama ang ginamit na english ay pumalakpak siya. "Galing ko..." bulong niya. "Andito lang po ako sa tabi niyo." Seryoso na niyang sabi.

Ngumiti ako. "Alam ko naman 'yon Leila. Noon pa man. Lagi kang andiyan."

Tumili siya nang paimpit. "Ma'am kinikilig ako."

Ibig ko siyang batukan dahil sa kagagahan niya.

Nagpeace sign siya at tumawa.

"Ate, daddy wants to talk to you."

The Playboy's Target (Saldaviga Series #2) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon