Chapter III: Isang Iglap

4 0 0
                                    

Kurt

Beeeeeeeeep

Unting tunti bumukas ang blinds ng aking bintana kung saan ako nakahilata. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang oras.

8:30 AM

Binalik ko yung phone sa lalagyan ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Kris, yung blinds. Paki sara." sabi niya

Umungol naman yung isa na katabi lang rin niya. "Wag kang tamad Lance. Nasa tabi mo yung remote."

"Can't. Body too weak to move. Ikaw nalang." sagot naman ng isa

"Yan," singit ko. "Inom pa more."

Kinabig ng katabi ko yung kumot. "Wow ha, that's big coming from you na halos lunurin ang sarili sa Jack Daniel's"

"Damn right." sabi naman nung isa. "Kung di kalang namin kaibigan ay di ka na namin sinamahan sa pagdadrama mo."

"Wow ha. Parang di kayo nakinabang." sagot ko naman

"Just shut the damn thing off Lance para makabalik na ako sa pagtulog."

Kinuha ni Lance yung remote at sinara ulet ang blinds. Pagkatapos ay bumalik na rin siya sa pagkakatulog.

It's still Wednesday and dapat nasa work kami ngayon pero fortunately, inanunsyo ng boss namin na walang pasok since last night was the company's Acquaintance party.

At dahil diyan sa reason na yan kung bakit kami ay sobrang wasted ngayon. Apparently di pa nakuntento tong mga kaibigan ko at nag aya pang mag barhopping pagkatapos ng party. Nilibot na ata namin ang mga malalaking bars sa BGC.

"Shiiiiit ang ginaaaawww." sabi ni Kris. "Pakihinaan naman ng AC Lance oh."

"Nakakadalawa kana Kris ha." sabi ni Lance

"Sige na pleeeaasssee." pakiusap ni Kris. "May kiss ka sakin mamaya."

Kinuha naman ni Lance yung remote ng AC ang hininaan ito. Pagkatapos ay nilagay niya ang remote sa tabi ng remote ng blinds bumalik sa pagkakahiga.

"Pa hug na rin Kris kasi ang ginaaaw." pangungulit ni Lance

"Wag nga ako Lance. Wag moko idamay diyan sa pagkalibog mo." sagot naman ni Kris

"Sige naaaaa. Isa lang. Promise di kita tsatsansingan." sabi naman ni Lance

"Para kang tanga bro, to be honest."  sabi ni Kris. "Oh siya sige na. Para matapos na yang kalibugan mo."

"Yehey!!" sagot ni Lance "Saglit lang to promise. Namimiss ko lang kasi baby ko."

"Ang cheesy mo. Kadiri." sambit ko naman

"Pero ba't ang laki ng dibdib mo Kris? Ba't ang laki at lambot ng nips mo?" tanong ni Lance

"Ha? Pinagsasabi mo jan. At tsaka bakit yung nips talaga?"

"No, really. Nag pi-pills kaba? Ang jiggly ng hinaharap mo. Parang sa babae." sagot ni Lance

Napatigil kaming tatlo. Parang may malamig na hangin na pumasok sa kwarto, mas malamig pa sa ibinubuga ng AC. Lumingon ako kay Kris at nag krus ang aming mga titig. Alam niya kung ano ang nasa isip ko. Parang kidlat na dumaloy sa aming mga katawan ang realisasyon na baka, baka lang naman may pang apat kaming kasama.

Isang BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon