Chapter IV: Isang Paglalakbay

0 0 0
                                    

Kurt

"Batanes?" tanong ni Lance. "Ba't sa Batanes pa talaga?"

"Eh sa gusto ni Lolo dun eh." sagot ko naman. "And besides, all expense paid to ni lolo kaya wag kanang O.A."

Napa buntung hininga nalang si Lance. "Sa dinami daming pwedeng pagbakasyunan, bat dun pa?"

"May pinapacheck din kasi si lolo na property dun kaya umo-o nalang rin ako." sabi ko

"Ba't di nalang sa Palawan? Or sa Boracay? Or sa Cebu?" tanong ni Lance

"Eh sa Batanes nga gusto ni lolo diba." paalala ko sa kanya. "At tsaka teka lang. Ba't parang ang laki ng issue mo kung sa Batanes tayo tutuloy. Ano bang meron dun?"

Tumawa si Kris habang naglalaro sa kanyang cellphone katabi ni Lance. "Nakalimutan mo na ba? Taga Batanes yung naging boyfriend ni Lance sa kanyang Short-lived love story, remember."

"Ahhhh. Yun ba? Naging kayo ba nun?" panunukso kong tanong

Tumawa si Kris ng pagkalakas lakas. "Naging sila hoy, ano ka ba. Na tsismis pa nga sila doon na nag two-time tong kaibigan natin."

"HAHAHA. Naks naman. Poging pogi tong friendship natin ah." pabiro kong sagot

Tinitigan lang kami ni Lance na para bang gustong gusto na niya kaming patayin. "Sigeee, diyan kayo magaling. Kala mo naman nakakatawa yung mga joke nila. Palibhasa kasi, di kayo ka jowa jowa. Ang seselan niyo sa mga tao. Kaya di kayo nagkakajowa."

"Ouch." tugon ni Kris. "Walang personalan dude."

"Ano nga bang nangyari dun? Was it true na namangka ka sa dalawang ilog? Ba't mo nga pala hiniwalayan?" tanong ko

Napakamot ng ulo si Lance. "Ba't napunta na naman sakin ang topic. Di nga ako nag two-time FYI. At tsaka ang tagal na nun. Last year pa yun."

"Ba't mo nga hiniwalayan." giit ni Kris

"Eh ang gulo ng buhay natin last year eh. At tsaka ang babata pa natin para pumasok sa relasyon. Nagkaproblema pa dito sa kumpanya. Tapos, nagkaissue pa si Kurt, no offense pare."

"At ginawa pa akong dahilan." sabi ko sabay tingin kay Kris

"Bottomline is, di pa tayo emotionally stable that time. Kaya nakipag break nalang ako sa kanya." singit ni Lance

Tumawa si Kris. "Wag mo kaming isali diyan ni Kurt. As far as we know, we are both emotinally stable. Ikaw lang ata magulo utak nun."

Sinunggaban ni Lance si Kris at nagpagulong gulong sa sala. It was nice seeing them na kahit madaming problema ay nagagawa parin nilang magbiruan.

Hindi ko nalang pinaalam sa kanila yung tungkol sa news article na pinakita ni lolo. Knowing them, mababahala ang mga ito at for sure, di sila magiging ganito ka energetic pag nalaman nila yun. So I decided to keep it between lolo and me lang muna. These guys deserve a break as much as I do.

You see, ever since kasi nung namatay yung parents ko, they've been my go to person kapag kailangan kong mag drama. They've kept me sane the whole time I was grieving. Kasi nung time na nawala sila mom and dad, it was the lowest point in my life. And they, together with my lolo, have tried their best in putting me back together. They even chose to work at the company I'm in para lang samahan at damayan ako. We've been friends since childhood and marami narin kaming nalampasan together. Kaya I want to spare them the worry this issue might cause them.

Isang BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon