Kit
"Akala ko ba malapit na yung mga bisita?" hingal kong tanong kay Sam
Tumawa lang silang dalawa ni Jake habang tinatapos yung mga dekorasyon sa harap ng bahay.
"Uuuyyyy, may excited." pabirong hirit ni Jake
"Ay bwisit. Wag niyong sabihing pinapunta niyo lang ako dito sa wala." sagot ko
"Di ah." depensang sagot ni Sam. "May pinapabili kasi si mama mo kay Jake. Eh alam naman nating di siya marunong magmotor kaya makikisuyo lang sana."
Napakamot ako ng ulo. "Eh bat di si Luke tinawag niyo?"
"Eh sa ikaw gusto ko eh." pabirong hirit ni Jake. "
"Tanga. Di tayo talo." pasimangot kong sagot
"So ano na." singit ni Jake. "Tutunganga nalang ba tayo dito?"
Kinuha ko yung susi ng motor sa lamesa sabay tingin kay Jake. "Fine. Tara na. Bago kapa mag tantrums diyan."
Pumunta kaming dalawa sa labas at pinaandar ko ang motor. Sumakay si Jake sa may likuran ko habang may bitbit siyang eco bag.
Medyo distansya rin ang palengke sa amin kaya't malking tulong narin na may motor kami. At tsaka ilang minutp nalang siguro at dadating narin yung mga bisita kaya mabuti narin at naisip nilang gamitin ang motor.
Ilang minuto rin ang nakalipas at nakarating narin kami sa palengke. Bumaba si Jake sa pagkakasakay at binigyan niya ako ng pera.
"Bumili ka nalang ng uling para mabilis tayong makakabalik. Kukunin ko lang yung buko na pinapakuha ng mama mo sakin." sabi ni Jake
"Wow ha. Inutusan mo pa talaga ako."
"Sumbong kita kay tita." pabiro niyang sambat
"Oh siya, sige na. Bibili na nga oh." sagot ko. "Sumbungera."
Bumaba na rin ako sa pagkakasakay habang si Jake ay papasok sa palengke. Dumeretso na ako sa tindahan ng uling upang bumili. Pagkatapos ay bumalik na rin ako kung saan naka park yung motor para hintayin si Jake.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas at sa wakas, nakabalik na siya dala dala ang labing-dalawang buko. At maniwala kayo o sa hindi, nakaya niyang dalhin lahat yun. May kalakihan ang katawan ni Jake kaya di na ako na bigla na nakaya niyang dalhin ang mga buko. Pero shit, kahit siguro ako, mangangailangan ng tulong pag may dala akong labing dalawang buko. Ang bigat kaya nun.
"Naks naman." pabiro kong hirit. "Bortang borta ahhh."
Nilapag niya muna ang kanyang dala bago sumagot. "Fuck you. Ang bigat bigat kaya niyan."
"Ikaw na talaga ang bukod na pinagpalang bakla dito satin." dagdag ko
"Isa pa't makakatikim ka talaga sakin." sagot ni Jake
Tumawa ako ng malakas. "Wag po koya. Marupok po ako."
Kinuha niya ang isang buko at akmang hahampasin ako. "Di ka talaga titigil ha. Mabuti pa't kunin mo na ang mga ito at isak....."
BINABASA MO ANG
Isang Buwan
Novela JuvenilSi Kit ay isang taong namumuhay lang nang simple pero may malaking pangarap. Si Kurt naman ay namomroblema kung paano simplehan ang napakakumplikado niyang buhay. Sila'y pinagtagpo ng tadhana para baguhin kung ano ang nakatakda. Witness the first b...