Kit
"Kit Israel Salazaaar!! Bumangon kana at magtatanghali na!" sigaw ng isang nakakabinging boses. "Pag ikaw wala pa dito sa baba pagkatatlo, malilintikan ka talaga sakin!"Naman oh
Kung kelan bakasyon, saka naman nagdadrama tong isang toh.
"Isa!" panimula niya
"Dalawaaa!"
"Oo naaa! Eto naaa! Babangon na!" sabi kong padabog. Bumangon ako saking higaan at inayos ito. Pagkatapos ay pumunta ako sa bintana at binuksan ito para makalanghap ng medyo preskong hangin.
Haaaayy...
Isa na namang nakakabagot na umaga.
Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan ang oras.
Anak ng...
"Ay, ang galing." sabi ko sa sarili ko. "Ang galing galing talaga."
Nilagay ko ang cellphone sa aking bulsa at lumabas sa aking kwarto papuntang kusina kung saan nanggagaling ang sigaw.
Pagdating ko sa kusina, sinalubong ako ni Samantha, ang pinsan kong tarantado. May bitbit siyang cake na bagong labas galing sa oven.
"Ayaaaaan. Kaka TikTok niya yan kaya late na nagising." pabiro niyang bungad sa akin
"TikTok mo mukha mo." sagot ko. "Tadyakan kita jan eh."
Umiwas siya. "Tita oh! Yung anak niyo."
"Magsitigil nga kayong dalawa." sabi ni mama habang naghahanda ng pagkain para sakin. "At ikaw naman Kit Israel, hindi porket bakasyon ngayon ay magdamagan ka nang makikipaglandian diyan sa cellphone mo."
"O.A. naman netong si mama." sagot ko habang nginunguya ang hotdog. "Landian agad? Di ba pwedeng nangungumusta lang sa mga kaibigan."
"Asus! Kaibigan." singit ni Samantha. "Maniwala kayo jan tita. Nung isang gabi nga narinig ko pa siyang nakikipag I love you-han sa cellphone niya."
Tiyempo at may tinidor malapit sakin at inihagis ko sa kanya. "Maging scriptwriter ka nalang kaya. Galing mo magimbento ng kwento eh."
"Oh siya, tama na yan." pagtigil ni mama. "Samahan mo na si Kit dito mag almusal Sam at marami pa tayong gagawin."
Umupo si Sam sa tabi ko. Tumatawa pa rin ang gago hanggang ngayon.
"Ano bang meron?" tanong ko kay mama. "Sabi mo kanina tanghali na pero shet alas siete pa pala ng umaga."
"Oi Kit, nasa hapagkainan ka." sagot ni mama
"Nakalimutan niya ata tita." dagdag ni Samantha
Tumingin ako sa kanya. "Ang alin?"
"Yaaan, limot limot lang tayo pre?" panunukso ni Samantha. "Ngayon darating yung mga nag book sa inyo hui, December 2."
"Ay potek. December 2 na pala ngayon?" tanong ko
"Yes, and you better finish what you're eating fast kasi I'm pretty sure na malapit na yung mga yun. Plus, nadagdagan pa nang tatlo pang guest ang dadating this day." sagot ni Samantha
Pag minamalas nga naman oh!
Shit!
"Nadagdagan pa? Ba't biglang nadagdagan? tanong ko
"May nagrequest kasi ng biglaan. Eh kakilala namin ng papa mo ang nakiusap kaya pinaunlakan ko na. Anak ng dating boss ng papa mo at mga kaibigan niya. Kaya maging mabait kayo sa kanila."
BINABASA MO ANG
Isang Buwan
Novela JuvenilSi Kit ay isang taong namumuhay lang nang simple pero may malaking pangarap. Si Kurt naman ay namomroblema kung paano simplehan ang napakakumplikado niyang buhay. Sila'y pinagtagpo ng tadhana para baguhin kung ano ang nakatakda. Witness the first b...