Chapter 5

141 3 1
                                    

It's already 7pm and papunta na ako sa bahay nila Ryanne. Sila Mom susunod na lang daw para sa Noche Buena.

Nasa tapat na ako ng gate nila ng makita ko yung isa sa maids nila kaya tinanong ko kung nandyan na ba sila

"Ya, si Ry po?" tanong ko sa kanya.

"Nasa loob po Sir, nako Sir kanina pa po sila nag aaway ng parents niya sa loob. Kanina pa po sila nag sisigawan" sabi ng yaya nila kaya nagtaka naman ako.

"Baket po?" tanong ko ulit.

"Hindi ko po alam eh. Pasok na lang po kayo sa loob." sabi niya sa akin kaya tumango naman ako.

Nasa labas pa lang ako ng pintuan nila pero rinig ko na sigawan nila. Ano kayang meron?

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong umiiyak si Ryanne. At nakita ko din na galit na galit si Tito sa kanya.

Napatigil naman sa pag sigaw si Tito ng makita ako. Agad naman lumapit si Tita sa akin.

"Oh, Elmo nandito ka na pala." bungad sa akin ni Tita.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Ito kasing babaeng to ang kapal ng mukha" sagot ni Tito.

"Steven tama na yan. Anak mo parin yan" sagot sa kanya ni Tita.

"Wala akong anak na nagpapabuntis sa lalaki na hindi naman siya kayang panagutan ay mali. Sa lalaki na wala naman palang balak siyang panagutan" galet na sigaw ni Tito Steven.

Ha? Ano daw? Buntis? Si Ryanne?

"P-po? Buntis po si Ryanne?" tanong ko. Hindi ko parin gets.

"Oo, yang babae lang naman yan nag pabuntis dun sa gagong lalaki na yun tapos hindi naman din pala siya papanagutan kasi ano? Sumama sa iba" galit na tono na sabi ni Tito.

"Pa" iyak na sabi ni Ryanne.

"Wag mo ko matawag tawag na Papa" sagot sa kanya ni Tito.

"Steven ano ba, tama na yan" pagpapakalma sa kanya ni Tita.

"Wag mo nga ipagtanggol yang anak mo Beth. Kaya lumaking matigas ang ulo nyan at hindi natatakot sa atin kasi lagi mong pinagtatanggol" sabi ni Tito Steven.

"Pa, Ma, I'm sorry.." iyak na sabi ni Ryanne

Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi parin nag sisink in sa akin na buntis si Ryanne. Gusto kong hanapin yung gago na yun. Gusto ko siyang patayin.

"Papakasalan ko po si Ryanne, aakuin ko po yung magiging anak niya" napatingin sila sa sinabi ko.

Kitang kita ko sa mukha nila na gulat na gulat sila lalo na si Ryanne.

"M-moey" nauutal na sabi ni Ryanne.

"Elmo, hijo. Hindi mo kailangan ganu yun" sabi ni Tita Beth sa akin.

"Willing po akong pakasalan ang anak niyo, Tita. Handa po ako magpakatatay sa magiging anak niya." seryoso kong sabi dahil totoo naman. Ganun ko kamahal si Ryanne.

"Moey, hindi mo kailangan gawin yun. Kaya ko naman." sabi ni Ryanne sa akin.

"Seryoso ka ba dyan?" seryosong tanong sa akin ni Tito Steven.

"Opo. Papakasalan ko po si Ryanne" sabi ko bago tumingin kay Ryanne na mukhang hindi sang ayon sa desisyon ko.

"Sige. Pag usapan natin yan mamaya pag nandito na magulang mo" sabi ni Tito Steven.

Magsasalita pa sana si Ryanne ngunit umakyat na si Tito Steven.

"Hijo, hindi mo naman kailangan gawin yun." sabi sa akin ni Tita Beth.

"Moey, you don't have to do that" singit ni Ryanne.

Ngumiti lang ako sa kanya at umuwi muna saglit.

Pagbalik ko sa bahay nila Ryanne ay kasabay ko na sila Mom.

"Hi Beth" bati ni Mom sa mama ni Ryanne.

"Oh kamusta trabaho?" tanong sa kanya ni Tita Beth.

"Ayun ayos lang naman" sagot ni Papa.

Malapit na mag 12mn kaya nandito na kami sa dining area lahat.

Hindi katulad dati na maingay ngayon ay binabalot ng katahimikan dahil sa nangyari kaninang umaga.

"Tara kain na tayo" pagputol ni Tita Beth sa katahimikan.

"May gusto sana akong sabihin sa inyo, Paul" sabi ni Tito Steven.

"Ano yun Stev?" tanong naman sa kanya ni Papa.

"Gusto kong makasal si Ryanne at Elmo" seryosong sabi ni Tito Steven.

Halatang nagulat sila Mom at Papa dahil sa sinabi ni Tito.

"P-pa" singit ni Ryanne sa kanila.

"Manahimik ka dyan. Kung naging matino ka lang kasi hindi mangyayari to!" galit na sabi sa kanya ni Tito Steven.

"Baket? Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Mom.

"Nabuntis lang naman yang magaling kong anak ng kung sinong lalake" sabi ni Tito.

Tinignan ko si Ryanne at nakita kong umiiyak siya.

"Steven tama na yan. Nasa harap tayo ng pagkain" awat ni Tita Beth sa kanya.

"Gusto ko pong akuin ang dinadala ni Ryanne at papakasalan ko po siya" sabi ko kay Mom at Papa.

"Sigurado ka ba dyan Moses?" tanong sa akin ni Papa.

"Opo." seryosong sagot ko naman sa kanya.

"Kung hindi na mababago yan. Sige payag kami" pag sang ayon ni Mama.

"Next month na yung kasal habang hindi pa malaki ang dyan ni Ryanne" sabi naman ni Tito Beth.

Pagkatapos ng usapan ay tahimik na ulit kaming kumain.

Nakitang kong pumunta si Ryanne sa garden kaya sinundan ko siya.

Pagdating ko dun ay nakita ko siyang umiiyak

"Hey" bungad ko sa kanya.

"M-moey.. Y-you dont have to do that. Hindi mo naman ako kailangan pakasalan eh. Hindi mo naman kailangan akuin yung baby ko. Kaya ko naman siyang alagaan ng mag isa" iyak na sabi ni Ryanne.

Pinunasan ko ang luha niya. "Shh, stop crying. I'm doing this kasi mahal kita. Ryanne, ever since we were high school mahal na kita." pag amin ko sa kanya na halatang kinagulat niya.

"Matagal na kitang mahal Ry. At willing akong pakasalan ka at magpakatatay sa magiging anak mo." sabi ko sa kanya.

"But" tanging sabi niya.

"No more buts. My decision is final. Wala akong paki kung hindi ako yung mahal mo. Darating din tayo dyan. Willing akong maghintay hanggang sa dumating yung araw na yun. Basta ang mahalaga kasama mo ako." sabi ko sa kanya sabay halik sa noo niya.

"T-thank you Moey. For everything." iyak niyang sabi.

Niyakap ko lang siya at niyakap niya rin ako pabalik.

So ayun yung reason kung bakit kinasal sila hahaha

A/N: bear with the typos, grammatical errors if ever. Tinatamad na kong iedit. Haha enjoy reading! ♥️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What if I Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon