Ilang taon na din since lumipat kami dito sa states at ilang taon na din since naging magkaibigan kami ni Ryanne.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Ryanne. Since naging mag kaibigan kaming dalawa naging close na rin yung parents namin. Tuwing may occasion laging magkakasama ang pamilya naming dalawa. Mapa birthday, Christmas, or New year.
"Moey" tawag ni Ryanne sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Samahan mo ko, may bibilhin ako sa mall" sabi niya sa akin.
"Sige. Mag aayos lang ako" sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at umuwi muna ako sa bahay saglit para mag ayos.
Habang nag aayos ako ay may nakita akong box sa cabinet ko. Agad kong kinuha yun at tinignan kung anong laman.
Nang buksan ko ay agad kong nakita ang mga luma kong laruan, nandito pa pala tong mga to akala ko kasi tinapon na to ni Yaya. May nakita akong picture na nalaglag sa sahig kaya agad kong dinampot yun.
Pagtingin ko ay ako at may kasama akong batang babae. Hindi ko matadaan kung sino yun pero mukhang familiar siya sa akin.
Bigla naman kumatok si Ryanne kaya tinabi ko na yung picture
"Moey so tagal" sabi niya
"Almost done. Wait" sagot ko sa kanya.
Nag ayos na ako at kinuha yung susi ng sasakyan bago lumabas ng kwarto.
"Lets go?" tanong ko kay Ryanne.
"Bakit ang tagal mo?" tanong niya sa akin.
"Sorry may hinanap lang ako" pagpapalusot ko sa kanya.
Nandito na kami sa mall. Madami na din napamili si Ryanne, bumili na rin ako ng mga kailangan ko at nag shopping na rin ako ng mga pang regalo para sa pasko.
"Tapos ka na?" tanong ko kay Ryanne na abala parin sa pagtingin tingin.
"Yup. Tara na? May bibilhin ka pa ba?" sagot niya sa akin.
"Wala naman na. Ilagay muna natin sa kotse yung mga pinamili natin tas kain na tayo" sabi ko sa kaya at tumango naman siya.
Agad kaming pumunta sa parking lot upang ilagay ang mga pinamili namin para wala na masyadong bitbitin.
Pagkatapos namin ilagay lahat ay naghanap na kami ng makakainan ni Ryanne. Siya na pinapili ko kasi nag crave daw siya sa italian food kaya hinayaan ko na lang.
Habang tumitingin si Ryanne sa menu ay bigla kong naalala yung picture kanina. Sino kaya yung babae na kasama ko? Hindi ko talaga siya maalala.
"Hey! Moey!" tawag sa akin ni Ryanne.
"Hmm?" tingin ko sa kanya.
"Kanina pa ko nag kukwento pero you are not listening naman pala" pagtatampo niya. Natawa naman ako kaya mas lalo siyang sumimangot.
"Haha stop doing that." sabi ko sa kanya.
"Kasi naman, kanina pa ko nagsasalita pero hindi ka naman pala nakikinig. Saan ka na ba nakarating sa layo ng iniisip mo" pagtataray niya. Ang cute niya talaga lalo na kapag nag susungit kaya lalo akong nahuhulog sa kanya.
BINABASA MO ANG
What if I Fall Inlove
FanfictionBata pa lang sila when they made a promise, when he made a promise, na sa paglake nila magpapakasal sila, na sila ang magkakatuluyan habang buhay. Ngunit paano kung biglang maghiwalay ang kanilang mga landas? Paano kung lumipas na ang maraming taon...